Thursday, March 25, 2010

Pagkabingi (Hearing Loss)

Tanong: Una sa lahat nais ko pong magpasalamat sa inyo. Ako’y nagagalak sa inyo dahil nakita ko po ang inyong email add at nakita ko po ang inyong payo . Mayroon po akong tanong sa inyo tungkol sa aking ama na may sakit sa tainga na kung minsan lumalabas ang dugo kaya natatakot ako. Ang pagkakaalam ko po noong siya ay binata pa sumisid siya sa dagat at sa pagkakataon na iyon ay bigla na lamang daw pong pumutok ang kanyang tainga at lumabas ang dugo. Pinakonsulta niya po iyon sa kanilang bayan pero hindi pa rin nalunasan at sa bandang huli ay unti-unting hindi na siya nakarinig ng malapitan. Kaya nag-isip na lang po kami na magkapatid ipagamot na lang namin sa malapit na pagamutan. Kagaya ng sakit ng tatay ko, may pag-asa pang bumalik? Ang paglipas po ba ng pagkain ay may kinalaman sa pagkabingi ng tao? Sana bigyan ninyo po ako ng payo sa sulat kung eto para malalaman namin kung anong dapat gawin ...Maraming salamat po...

Sabi ni Doktor: Maraming salamat sa iyong liham. Marahil dahil sa mataas na pressure sa ilalim ng tubig, pumutok ang ear drum ng iyong ama. Ito ang dahilan kung bakit dumugo ang kanyang tainga at hindi na makarinig. Sa ganitong kaso, isang espesyalista sa tainga [otolaryngologist o ear-nose-throat (ENT)] o audiologist ang makakatulong sa kanya. Dahil sa hindi na maibabalik ang pandinig, mangailangan siya ng hearing aid o ibang kagamitan upang malunasan ito. Walang kinalaman ang hindi pagkain sa pagkabingi.


View original post here

No comments:

Post a Comment