Thursday, April 8, 2010

Butas sa puso (Septal Defect)

Tanong (T): May QUESTION po ako. Ang pamangkin ko, who is 2 months old now, baby girl, pag naiyak na ngingitim. Then, one early am, nangitim na naman. Ang sabi gawa ng plema. Pero  nung  kinunan  sya ng  dugo  for examination, d Dr. finds out na low blood ang  pamangkin  ko. Yan na po. Ang question ko, ano po ba ang dapat naming gawin?

Payo ni Doktor (PD): Kapag cyanotic o nangigitim ang bata kapag naiyak marahil ay meron siyang karamdaman sa puso.

T: Ok, ung kakulangan nya sa dugo?


PD: Hindi, ang kakulangan sa dugo ay tinatawag na anemia.
Subali’t kapag ang sanggol ay nangingitim tuwing naiyak maaaring mayroong butas ang kanyang puso na tinatawag na ‘’ventricular septal defect’’. Kung magkaganoon, naghahalo yung oxygenated at unoxygenated blood. Ito ang sanhi ng kanyang pangingitim.

T: Alam nyo po ung mother ng bata daw ganun din, kulang sa dugo.

PD: Ang low red blood cell count kasi ang manifestation niyan ay pamumutla at hindi pangigitim. Kaya sa tingin ko, dapat na ipa-ultrasound ang puso niya.

T: Ahh ok. Pero continuous nman daw nag vitamin nung pinag bubuntis yung baby.

PD: Nakakatutulong ang mga multivitamins at iron supplements para maiwasan ang anemia o pamumutla kapag buntis ang mga babae. Sa ganitong paraan ang sanggol na nasa sinapupunan niya ay hindi magiging anemic o maputla. Nguni’t ang mga gamot na ito ay hindi makakapagbigay-lunas kung ang sanggol ay may butas sa puso. Mas mabuti kung masuri siya ng isang Pediatric Cardiologist upang marinig ang heart sounds o tibok ng puso niya at mapa-ultrasound. Mayroong di pangkaraniwang tunog kasi sa puso kapag may VSD.

T: So, ang maipapayo mo sa amin ay mas makakabuti kung ipapa check up namin ung puso nya? What do u mean by VSD?

PD: Tama. Ventricular Septal Defect. Iyon ang pangkaraniwang uri ng butas sa puso at marami pang iba. Balitaan mo na lamang ako kung anong mangyayari sa sanggol.

T: Ok. Salamat Dok.



VSD: Makikita sa larawang ito ang daloy at paghalo ng dugo sa butas ng puso. Ang paghalo ng oxygenated (red) at unoxygenated (blue) blood ang nagiging sanhi ng cyanosis o pangingitim ng kulay tuwing naiyak ang mga sanggol.

Reposted from here

6 comments:

  1. Dr.

    itatanong ko po sana if pwde png magamot ang butas sa puso? , kasi ang babaeng pinakamamahal ko mayroon na skit na ganun :( gusto ko po siyang tulungan na mapagaling ung skit nya khit magkano po gagastos ako gumaling lang po siya help nmn po doc .. please ...

    ReplyDelete
  2. @Jimuel: Ang paggagamot ng butas sa puso ay depende kung ano ang sintomas ng tao at kung wala namang sintomas kahit na may butas, sa tingin ko ay hindi naman dapat galawin. Upang makatiyak, mas mainam kung siya ay magpapakonsulta sa isang "cardiologist" upang masuri nang mabuti at mabigyang-payo.

    ReplyDelete
  3. Dr,

    doc itatanong ko lang po kung anu ang sanhi ng pagkakaroon ng butas ng puso ang isang sangol.. kc po ang anak kong babae ay 8months na ngaun. nung 6months po siya nalaman ko pong may butas ang puso niya.. pinatingin ko po siya sa pediatric cardiologist at napaultrasound ko na ang puso nya.,.. sabi ng doctor 2 ang butas ng puso nga,,, di ko po alam kung bakit siya nagkaroon ng butas sa puso,,,saka di naman po siya nangingitim pag umiiyak,

    ReplyDelete
  4. @Anna: Ang pangingitim ng sanggol sa tuwing iiyak ay isa lamang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng butas sa puso. Mas mainam kung ikaw ay bumalik sa iyong "pediatric cargiologist" upang malaman kung ano ang naging sanhi nito para sa iyong anak.

    ReplyDelete
  5. ano po ang kailangan gawin pag may butas ang puso? operation po ba talaga? wala na po bang ibang way para gumaling ang bata? tanong lang po ;) salamat po.

    ReplyDelete
  6. @shielaatienza: Hindi naman lahat ng butas sa puso ay nangangailangan ng operasyon. Mayroong mga kaso na kusang nagsasara. Ilan sa mga dahilan ay ang laki ng butas, lokasyon nito, at edad ng sanggol. Ipasuri ang sanggol sa isang "pediatric cardiologist" upang malaman ng mabuti ang kondisyon ng bata, at kung ano ang mga posibleng mangyari.

    ReplyDelete