Wednesday, April 21, 2010

Hernia (Luslos)


Tanong (T): Ako po ay 21 years old, isa po akong binata. Mayron lang po akong itanong tungkol sa aking problima dahil po aking sakit.. Ang sakit ko po ay sa aking itlog kasi po ang isang egg ko ay masakit masyado tapos po kailangan ko ng  gamut. Ano po ba ang dahilan bakit  to nag kasakit? Kapag tapos akong kumain parang lumaki din ang bilog ng  aking egg. Ano po ba ang gamot para kailangan ko po ang tulong ninyo. Salamat po.
 
Doc Gino (DG): Upang malaman ang iyong kondisyon at ang tamang lunas, maaari mo bang sabihin ang ilan mahahalagang sintomas? Mas mainam kung masusuri ng isang dalubhasa na tulad ng "urologist" ang ganyang problema.

Mayroon ka bang lagnat? Kailan pa nagsimula ang mga sintomas? Kapag nagbubuhat ba ng mabigat o sa tuwing nairi (halimbawa, kapag nadumi) nasakit ba ang iyong bayag? Nalaki ba ito? sa kanan ba o kaliwa o pareho? Ano ba ang iyong trabaho? Kumusta ang pag-ihi? binabalisawsaw ba? Pakiramdam mo ba ay may natitira pa makatapos umihi? Anu-anong mga gamot ang iyong mga iniinom?

T: Ang trabaho ko po nasa computer ako nag trabaho.. Wala po akong gamot na iniinum kasi hindi ko alam ang gamut. Medyo po sya lumalaki kapag uminum ako ng tubig lalo na't marami ang mainum ko.. Nasa rigth po ang sumakit.. Wala namang akong lagnat minsan lang magulat ako dahil parang lumaki at pagkatapos minsan din sumakit piro kaya ko naman ang sakit..Hindi naman mag buhat ng mabigat na things kasi nasa computer lang ako nag trabaho, lage nalang ako nakaupo. Piro pag gising ko ng  umaga hindi na lumaki ang bayag ko.hindi po ba ito danlak ..
 
DG:  Mukhang "hernia" o luslos ang tawag diyan. Hindi 100% na sigurado dahil hindi ko nasuri, at gaya ng nabanggit ko kanina, mas mabuting magpasuri sa isang manggagamot o "urologist". Hindi ko alam ang danlak. Balitaan mo na lamang ako sa magiging resulta ng konsultasyon mo.

Reposted from here

34 comments:

  1. Tanong(T): 19 yrs old po ako at may parehang problema na itinatago. Itatanong ko lang po sana kung anu ang cost ng danlak at anu po ba ang maaaring gamot para dito. ang akin po kasi ung left side ng itlog ko ung lumalaki. sa totoo lng po matagal na po ito. since first year highschool pa ako. nahihiya po kasi ako ikunsulta sa sa iba kasi kadalasan ay mga babae ang halos kasama ko sa bahay, ako lang ang lalaki. pakiusap sana matulungan nyo po ako.

    ReplyDelete
  2. @Darrydelima: Maaari kang magpasuri sa isang Urologist o espesyalista sa ganyang uri ng karamdaman. Pumunta lamang sa pinakamalapit na klinika o ospital upang makahingi ng appointment. Karamihan sa mga Urologists ay mga lalaki.

    ReplyDelete
  3. hi po! ung isang egg ko po ay mas malaki kesa sa isa at me lmang pong parang ugat ugat . anu po ba yan ?

    ReplyDelete
  4. hi po ung isa ko pong egg eh mas malaki kesa sa isa at prang me ugat ugat na lumalabas pero wala po akong sintomas ng hernia.. anu po ba ito?

    ReplyDelete
  5. @Lancer1600: Sa tingin ko, ang iyong kondisyon ay ang tinatawag na "varicocele". Ito ay kapareho ng "varicose veins" na nakikita sa mga binti. Ang "varicocele" ay nangyayari kapag ang dugo sa mga ugat ay hindi nadaloy ng lubusan kung kaya't ito ay naiipon na nagreresulta ng paglaki ng mga ugat sa bayag.

    Kung wala namang ibang sintomas na nararamdaman gaya ng pananakit o pagkabaog, ito ay hindi naman kailangang gamutin. Kung ito ay magsanhi ng pagkabaog, kinakailangan itong operahan ng isang "urologist" o espesyalista sa ari ng mga lalaki.

    Ang operasyon ay maaaring gawin ng ilang oras sa OPD. Maaaring malaman ang dagdag impormasyon mula sa iyong "urologist".

    ReplyDelete
  6. delikado po ba ang sakit na yan?
    ako po ay 17 taong gulang pa lmang po !

    ReplyDelete
  7. mga magkano po ang nagagastos sa pagpapa opera sa luslos? estimate price lang po?

    ReplyDelete
  8. @Lancer1600: Hindi naman nakamamatay nguni't gaya ng nabanggit, ito ay maaaring maging sanhi ng pagkabaog. Magpasuri sa iyong doktor upang makatiyak kung ito nga ay "varicocele" at nang mabigyan ng sapat na lunas.

    ReplyDelete
  9. @Lianee: Mas mainam kung sa ospital o clinic magtanong at sila ang nakaaalam kung magkano ito.

    ReplyDelete
  10. hello po..ask ko lang po yung husband ko naoperahan nung bata pa dahil sa lus los..pero bakit malaki pa rin ang kanyang bayag hanggang ngayon..nagkaroon naman kami ng anak..pero hindi na nasundan may epekto ho ba yung luslos nya dati kaya parang hirap na masundan anak namin..minsan parang sumasakit yung bandang tiyan nya..itong signs na ito ibig sabihin ba nito may luslos pa rin sya?

    ReplyDelete
  11. @Sleery: May iba pang mga dahilan kung bakit nalaki ang bayag bukod sa luslos. Maaring epididymitis, varicocele, atbp ang dahilan. Ang mga ito ay maaaring maging sanhi ng pagkabaog kung kaya't mas mainam kung magpasuri sa isang urologist.

    ReplyDelete
  12. may alternative medicine para gumaling ang luslos?

    ReplyDelete
  13. @Tototot: Wala. Pero maaaring maiwasan ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagbubuhat ng mabigat, pananatiling magaan ang timbang ng katawan, at pag-eehersisyo. Kung may luslos na, ito ay kinakailangang operahan.

    ReplyDelete
  14. Doc Gino,

    Drop ko na lang ang facts:

    Sept 28, may nakatalik akong babe na nakachat ko lang sa facebook. Well educated siyang babae pero hindi ako naniniwalang ikalawa lang ako sa mga nakasex niya.

    Oct. 13, nagsex kami ng gf ko while having her period. After noon eh nakaramdam na ako ng tila mabigat na pakiramdam na parang namamaga sa kaliwang bayag ko.

    Oct. 14, di nawala yoong sakit at tila lalo pang lumala dahil pati kanang bayag ko eh sumasakit na rin.

    Oct. 15, masakit na pareho pati kaliwa't kanang bahagi ng puson ko.

    Oct. 16, nagpacheck-up ako sa doctor. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko then he asked me if masakit ba ang pag-ihi ko. Sinabi kong hindi dahil wala naman akong nararamdamang ganoon. Pinablood-test at urine-test ako ngunit sinabi niya na normal naman daw. Baka daw luslos na daw itong nararamdaman ko. Niresetahan niya ako ng OFLOXAXIN at CELCOXX for a period of 5 days then bumalik daw ako sa kanya.

    Oct. 17, hindi na parehong bayag ang sumasakit sakin doc kundi pati kaliwang bahagi ng puson, at kaliwang bahagi ng ari ko na ang sumasakit. Tila parang namamaga at mainit na ang pakiramdam ko.

    Based on my research doc about sa HIV eh pumapasok ako sa 1 to 3 weeks before magkasymptoms ako nakaramdam ng mga ito. Ang gf ko naman eh from October 13 na nagsex kami eh namamaga ang lymph nodes niya sa may leeg na naramdaman lang niya kahapon (Oct. 16). Noong Oct. 13 lang kami ulit nagsex since nakatalik ko ang isang babae noong Sept. 28.

    Here are my questions doc,


    Sir, what percentage po na mayroon akong HIV at girlfriend ko?

    Kung STD related case itong nararamdaman ko eh ano po kayang uri ito ng sakit and virus na nakainfect sakin?

    ReplyDelete
  15. @Diego: I wouldn't know what percentage. HIV does not occur fast. It can take several months before it manifests. There are too many kinds of STDs. Laboratory tests such as urinalysis, urine culture, blood tests can confirm what infection is present.

    ReplyDelete
  16. Doc Gino,

    follow-up question sir,

    With relation to the facts I cited this morning sir, may possibility ba na nainfect ko na rin ang gf ko when we had sex?

    Should I stop having sex with her for the meantime?

    Umiinom na ako na ako ng gamot since yesterday sir, walang nagbago sa pakiramdam ko doc imbis eh lalo pang sumasakit. Should I finish the 5-day treatment instructed by my doctor or bumalik na ako sa kanya?

    Tnx sir in advance...

    ReplyDelete
  17. @Diego: It is possible to have another person infected if you were infected to begin with. I recommend to consume your medications, after which, seek a follow-up medical evaluation with your doctor.

    ReplyDelete
  18. hey doc panu nmn pag sumasakit ung bayag pag umiihi?anu po ba problem nun??means b nun baog aq??kc un po ung nararamdaman ko minsan pag naihi aq....thx and wat po dapat inuming gamot..kc bka po pag nag pcheck up aq mag kano magastos ko..wala aq pera eh..hehe thx ulit..

    ReplyDelete
  19. dr.gino ask ko lng po sana kung luslos po b ung nd pantay ang itlog pero sometmes pantay nmn sya..at anu po b ibig sbhn ng butlig butlig sa bayag,,its mean b cancer na un..tnx answer my question plzz

    ReplyDelete
  20. @Allan: Ang pagkabaog ay hindi nalalaman sa sintomas na iyong binanggit. Maaaring mayroong problema sa iyong ihi tulad ng impeksyon. Ipasuri ang iyong ihi sa isang laboratoryo. Ito ay tinatawag na "urinalysis" at ipagbigay alam sa blog na ito ang resulta upang malaman natin kung dito nagmumula ang iyong problema.

    ReplyDelete
  21. @Jhaneia: Ang bayag ay natural lamang na hindi pantay. Ang kaliwa ay mas mababa kaysa kanan. Ang butlig na iyong sinabi ay kailangang masuri upang malaman kung ano ito.

    ReplyDelete
  22. doc.. may beke (mumps) po ang husband ko since dec. 6 masyado nya po dinadaing na masakit ang bayag nya at namamaga.. ano po ba ang pwede namin gawin para mabawasan ang sakit na nararamdaman nya at magiging epekto nito sa kanya?

    ReplyDelete
  23. @Zhenne: Isa sa mga komplikasyon ng beke ay ang "orchitis" o pamamaga ng bayag. Kinakailangang magpatingin at magpasuri sa isang "urologist" o espesyalista sa ari ng mga lalaki. Kung hindi ito maagapan, maaaring mag-resulta sa pagkabaog.

    ReplyDelete
  24. maraming salamat po doc.. more power

    ReplyDelete
  25. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  26. @Majidruben: Hindi mo binanggit kung ano ang iyong kasarian o ang edad. Ang mga sintomas na iyong nabanggit ay hindi nangangahulugan nang pagkakaroon ng luslos.

    ReplyDelete
  27. doc, nagkaroon po ako ng bukol and everyday lumalaki po siya. sabi po nila eh luslos daw po yun dahil sa left po tumubo sa aking ari. ngayon po eh malalala na po ang bukol. nu po ang aking gagawin. babae po ako at 27 years old.

    ReplyDelete
  28. Good day po doc. ako po ay lalaki, nais po lamang malaman kung may luslos ako, kasi po may nakapa po ako na parang bukol sa left part ng itlog ko? Napansin ko po ito last 2006 pa kaso di ko masyado pinansin kasi sabi nung doctor na pinapacheck-up-pan ko infection lang daw. then last wik nakapa ko ulit sya pero parang lumaki ng konte, do I need to make another consultation?

    Salamat po..
    Wait ko po sagot nyo..

    ReplyDelete
  29. doc ask ko lang bkit po hndi pantay ung bayag ko! minsan po sumaket ung right na bayag ko. ano pong saket meron ako? mdalas din po ako nagpipigil ng ihi.

    ReplyDelete
  30. Good Day po Doc. I'm 18 yrs oldm male. may itatanong lang ho sana ako tungkol sa bayag ko. Nung Feb 13 ng umaga nagulat nalang ako pag gising ko meju sumasakit bayag ko sa may kaliwa, tapos meju lumaki ito ng kunti kaysa sa kanan. Nararamdaman ko ang sakit kapag naka upo ako o naka tayo. Is this varicoceles na tinatawag? Bukod dun wala naman akong nararamdaman na iba pa. Minsanan lang din sumakit. Pero kaya ko naman ang sakit. Ano ho ba to? o ano magandang gawin? May alternative way ho ba maliban sa surgery repair? o gamot man lang. Mabisa ho ba yung gamot na hawthornia from china?

    ReplyDelete
  31. @Antonette: Ang pinakamabisang gawin sa iyong kondisyon ay ang magpa-check up sa isang OBGYN upang malunasan ang iyong bukol.

    ReplyDelete
  32. @Joksa: Sa tingin ko ay dapat mo ipasuri muli ang sinasabi mong bukol na iyong natuklasan.

    ReplyDelete
  33. @Aezakmi: Talagang hindi pantay ang bayag kahit kaninuman. Ipasuri ang iyong ihi upang malaman kung may impeksyon na maaaring pinagmumulan ng pananakit.

    ReplyDelete
  34. @Kimbal: Mas mabuti na ipasuri muna ang iyong nararamdamang mga sintomas upang malaman kung iyan ay varicocele nga o kung ano pa man. Isang urologist ang makakapagsabi kung ano ang pinakamabisang gawin upang masolusyonan ang iyong karamdaman.

    ReplyDelete