Available at: Jeepney Press
Tanong (T): Dear Doc Gino, nabasa ko po ung column nyo, so kaya po nainganyo naman ako mag tanong sa inyo. gusto ko po kc malaman kung ano ang dapat gawin para mabuntis agad. kc po nag li-live-in na po kami ng bf ko. pareho na po namin gusto mgkababy. 1 yr na po kaming nagsasama pero hindi pa rin po kami makabuo. nagtanong naman po ako sa mga kaanak ko na kung may lahi po ba kaming baog. sabi naman nila wala daw po. at tinanong ko rin po ang asawa ko kung ganon din ba sya. hndi rin po ang sagot nya. hindi po kaya ako ang baog? Sport minded po ako. madami akong nilalaro. sanhi rin po ba kaya un ng hindi ko pagbuntis? may konting bisyo rin po ako. nagsmoke at sometimes i drink? lahat po ba un sanhi ng di ko pag buntis? ano po ba ang dapat kong gawin? ano po ba ang mga sanhi ng hindi pagbubuntis ng isang babae. sana po matulungan nyo ako sa katanungan kong ito. maraming salamat po! good luck sa inyo. and more power po!
Doc Gino (DG): Isang taon pa lamang kayo nagsasama, ano kaya ang dahilan kung bakit kayo nagmamadaling magka-baby? Ilang taon ka na ba? Buwan-buwan ba ang dating ng iyong regla?
Maraming dahilan kung bakit hindi nagbubuntis kaagad. Hindi lamang ang babae ang dapat suriin, ang mga lalaki ay gayun din. Isa sa masasabi kong dahilan sa iyong kaso ay ang iyong pagiging aktibo. Ang pagiging aktibo ng katawan gaya ng mga atleta ay nagsasanhi ng anovulation kung saan hindi nangigitlog bawa't buwan ang babae kung kaya't ang regla ay hindi rin buwanan kung dumating. Kapag hininto ang sobrang pagkaaktibo, manunumbalik ang pagiging regular na pangingitlog at nagbubuntis na agad.
Ang stress na magbuntis agad ay maaaring maging sanhi rin ng hindi pagbubuntis. Kung kaya't mas makabubuting mag-enjoy muna kayo sa inyong pagsasama. Sa ganitong sistema, mas mababawasan ang stress at malamang ay magbuntis agad. Kahit walang direktang ebidensiya, ang mga nabanggit mong bisyo ay maaaring maging sanhi ng hindi pagbubuntis.
T: salamat mo sa pag-sagot ng aking mga katanungan. 24 na po ako at ang asawa ko naman ay 29. gusto na po kc ng magulang ng asawa ko ng apo beside parang nasasabik ako sa baby. auko po kcng magbuntis ng mejo may edad na. kc feeling ko parang ang hirap ng ganon. regular po ang regla ko. minsan pa nga po 2 beses sa isang buwan. di ko nga maintindihan eh kung bakit ganon! nadadaan po ba sa hilot ang pagbubuntis agad? marami po kcng nagsasabi na ipataas ko daw po ang matres ko dahil baka mamaba lang. effective po kaya un? salamat po!
DG: Ang bahay bata ay natural lamang na maging mababa kapag hindi buntis. Hindi nakatutulong ang hilot upang itaas ito. Gaya ng mga nabanggit, ang pagbabago ng lifestyle at pagbabawas ng stress ay isa sa mga makatutulong upang magdalang-tao. Mas makabubuti kung makipagkonsulta ng harapan sa isang bihasa sa Infertility upang masuring mabuti kayong dalawa.
good day po. magtatanong po ako about po sa abortion, prangkahan na po kase po last feb. 2008 po nag-paabord po ako then nung nwla na po dec. 2008 nbuntis po ulit ako then nagpaconsult na po ako sa o.b ko na ndi nabuo ung bata sa sinapupunan ko ung ba na parang "bugok" po ang tawag so one month dinugo po ako at lumabas na po ung tinatawag na "bugok" wala po ako iniinom nun, ang itatanong ko po sa inyo kung posibilidad po na hindi na po ako magkaanak lalo na't hindi pa po ako raspa hanggang ngayon or kung magkaanak po ako ,may epekto po un sa bata,example: bingot,abnormal,etc.
ReplyDeleteako po ay 21yrs old at regular po ang menstration ko. sana po masagot ninyo po ang tanong ko kase po natatakot po ako sa posebilidad na hindi na po ako magkaanak or baka sa bata magkaapekto. thank you po!
@Arah: Malaki ang posibilidad na magdalang tao ka muli sapagka't bata ka pa. Ang tsansa mo na magkakaroon ng ipinagbubuntis na may abnormalidad ay hindi tataas dahil sa pagpapalaglag mo noong nakaraan. Mas mabuti na magpasuri kaagad sa isang OBGYN bago magbalak magbuntis (kapag ikinasal na o bago makipagsiping muli). Maiiwasan ang abnormalidad kapag nabantayan bago pa lamang magbuntis.
ReplyDeletetnx po sa advice doc. gino,pano po eh buntis na po ako ngayon 1month na po,ano po ang gagawin ko??
ReplyDeletesana po masagot nyo po ulit. thank you po.
gud day po doc..tanong ko po kung mabubuntis po ako. nag start po regla ko nov 18 natapos nov 23..nag sex po kami ng bf ko ngayung dec 3. ask ko po kung posible po ba akong mabuntis.sana masagot niyo po..salamat..
ReplyDelete@Arah: Gaya ng nabanggit, kailangan na magpa check-up sa isang OBGYN specialist.
ReplyDelete@Bel: Posible na ikaw ay magbuntis.
ReplyDeleteHello doc, im 21 y.o. . married po about a week ago. . tnong ko lng po kc ang tgal na po namin ng bf ko. .4yrs po bago kami ngpakasal. .before po kmi nkasal my ngyayari na po sa amin. .mga ilang months po before ng wedding namin plano namin na mgka baby na. .pero up to now wla parin baby. . wla naman po kami history ng my baog sa pamilya. . mjo malusog po ang pangangatawan ko. .monthly dn po period ko. . dmdating dn po sa time na ngspotting po aq ng brown tpos pg nwla na after non mgkakaperiod na po ako. .ngkasakit po aq sa kidney at kinailangan mgpaultrsound last october po un. .nkita po nung ngultrasound sa akin mejo my maga dw ung ovary ko?? un po kaya dhilan bkt hnd ako mbuntis?? my cure po ba or remedy don?
ReplyDeletedoc tanung ko lang po,, yung nanay kc ng ka live in ko may diyabetes nung isinilang sia, tapos may unting bigote po sia bad hormones po un diba... tapos nahirapan po kami mag ka baby may work ako at ganun din siya... tapos nag pa tsek kami sa isang hospital pinainum po sia ng gamot para mag karoon ng regla, nung nag karoon na siya pinainum po siya ng pills sa loob ng 3 buwan... mag iisang buwan na siya ngayun umiinom ng pills.. after nun po ba pde ba siyang mabuntis na? tska 7 days kami d nag talik para sa pills nya.. tapos nag talik pa rin kami gang ngayon ok lng po ba un? magkakarun pa rin siya ng regla? habang umiinom siya ng pills? tska nid pa namin pa tsek ng sugar niya? may koneksyun kaya yun sa di pag bubuntis niya po? Godbless
ReplyDeletemaari po bang mawala ung peklat sa lungs? magaling na po ako galing sa mild tb pero pag nag papatsek pa rin ako may lumalabas p ring peklat akala ng ibang doktor meron p rin ako minimal tb pero sa isa kong doktor pede na raw ako yun pero di ako pde mag abroad... kc nid sa company na papasukan ko ng xtray po.. gagaling pa po ba un peklat at mawawala po ba uhn? posible din b bumalik un? anu po mga vitamin para sa lungs pde rin po ba ung gatas? at centrum at lungcaire? ty
ReplyDelete@BabyAra: Kinakailangang malaman nang husto kung ano ang resulta ng iyong ultrasound. Ano ang ibig mong sabihin sa pamamaga ng obaryo? Mas mainam kung ilalahad mo ang resulta base sa sinasabi ng ultrasound. Kung may problema sa obaryo, ito marahil ang dahilan ng hindi pagbubuntis. Depende kung anong uri ng problema sa obaryo ang gamot na kailangan at kung maitama na ang problema, malaki ang tsansa ng pagbubuntis.
ReplyDelete@health@erck Ang pag-inom ng pills sa loob ng 3 buwan ay isinasagawa sa iyong ka-live in upang maging regular ang kanyang regla. Hindi ibig sabihin ay mabubuntis siya sa unang buwan ng pag-inom ng pills. Ang panunumbalik ng pagka-regular ng daloy ng regla ay nakapagpapataas ng tsansa ng pagbubuntis. Ang pagsuri ng asukal sa dugo o "blood sugar" ay isinasagawa upang malaman kung may posibilidad na magkaroon ng diabetes.
ReplyDelete@health@erck: Sa kasamaang-palad, hindi mawawala ang peklat sa baga sa X-ray kahit ang tubekulosis ay magaling na. Ang tuberculin test ay mas mainam na test kaysa X-ray upang malaman kung active o inactive ang TB subali't ito ay hindi nire-recognize ng mga kumpanya.
ReplyDeleteelow po doc.,..im jen 21 yrs.old n po aq at gusto po nmin ng bf q mgkababy n kmi mdaming beses n po kmi ngttry pro bigo po kmi,..seaman po bf q nung dec.po dumating cia 26 n po cia,..mgnagsuggest po sken n frendz q n mgpataas ng matres kc cia dw po ngpataas nun nbuntis agad so ngpahilot po aq s mismong ngpapaanak at mrunong mghilot..bkit po gnun hndi p rin po kmi nkakabuo,..regular po mens.q....i need ur help po.,
ReplyDelete@Jhen: Kung parati kayong magkasama ng iyong nobyo, mataas ang tsansa ng pagbubuntis. Ang matres na hindi buntis ay maliit at walang uri ng paghihilot ay makakapagpabuntis nito
ReplyDelete