Friday, March 18, 2011

Mga Suliranin sa Puso

Available at: Jeepney Press

Dahil ang nakaraang buwan ay dinaraos ang Valentine’s Day, narito ang ilan sa may mga suliraning pampuso.

Tanong (T): Dr. itatanong ko po sana if pwde png magamot ang butas sa puso? kasi ang babaeng pinakamamahal ko mayroon na skit na ganun :( gusto ko po siyang tulungan na mapagaling ung skit nya khit magkano po gagastos ako gumaling lang po siya help nmn po doc... please ...

Doc Gino (DG): Ang paggagamot ng butas sa puso ay depende kung ano ang sintomas ng tao at kung wala namang sintomas kahit na may butas, sa tingin ko ay hindi naman dapat galawin. Upang makatiyak, mas mainam kung siya ay magpapakonsulta sa isang "cardiologist" upang masuri nang mabuti at mabigyang-payo.

T: Dr, itatanong ko lang po kung anu ang sanhi ng pagkakaroon ng butas ng puso ang isang sangol. kc po ang anak kong babae ay 8 months na ngaun. nung 6 months po siya nalaman ko pong may butas ang puso niya. pinatingin ko po siya sa pediatric cardiologist at napaultrasound ko na ang puso nya. sabi ng doctor 2 ang butas ng puso nya, di ko po alam kung bakit siya nagkaroon ng butas sa puso, saka di naman po siya nangingitim pag umiiyak.

DG: Ang pangingitim ng sanggol sa tuwing iiyak ay isa lamang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng butas sa puso. Mas mainam kung ikaw ay bumalik sa iyong "pediatric cargiologist" upang malaman kung ano ang naging sanhi nito para sa iyong anak.

T: ano po ang kailangan gawin pag may butas ang puso? operation po ba talaga? wala na po bang ibang way para gumaling ang bata? tanong lang po ;) salamat po.

DG: Hindi naman lahat ng butas sa puso ay nangangailangan ng operasyon. Mayroong mga kaso na kusang nagsasara. Ilan sa mga dahilan ay ang laki ng butas, lokasyon nito, at edad ng sanggol. Ipasuri ang sanggol sa isang "pediatric cardiologist" upang malaman ng mabuti ang kondisyon ng bata, at kung ano ang mga posibleng mangyari.

No comments:

Post a Comment