Tuesday, April 13, 2010

Delayed menstruation (Pagpalya ng regla)


Tanong: Gud day poh..Ako po ay 23 taong gulang nakatira s Neuva Ecija..Nakita ko iyong site n Jeepney Press at my nabasa ko kung meron my karamdamang problema kaya puwede lumiham sa inyo. Kaya kelangan ko po ng tulong nyo.. Kasi po nagkaroon po ako ng problema. Bakit po ganon?Di ko lam kung ano delayed ako o buntis? Kasi 1month n ako di nagkakameans natry ko po ng pregnancy test ay negative po. Anu po kaya dahilan kung negative? Dati po kc tuloy tuloy ung months n pgkakameans ko.. Salamat poh.wait ko na lang po reply nyo...


Doc Gino (DG): Salamat sa iyong liham. Maari ko bang malaman ang mga sumusunod? Ang iyong regla ba ay dumarating bawa't buwan? Kailan ang iyong huling regla? Kailan ang sinundang regla?

Kung sigurado na hindi ka nagdadalang tao, maaring nagkaroon ng 'hormonal imbalance' ang iyong katawan kung kaya't hindi ka dinatnan ng kasalukuyang buwan. Maraming kadahilanan kung bakit nagkakaroon nito tulad ng 'stress' sa pag-iisip, kalusugan, pagkapagod atbp. Kung magkaganoon, kailangang masuri ng 'gynecologist' upang maibigay ang sapat ng gamot na makakapagpabalik ng normal na daloy ng regla.
May ibang tao naman na buntis nguni't 'negative' pa rin ang resulta ng 'pregnancy test' (PT). Ang dahilan ay masyadong maaga ginawa ng eksaminasyon at mababa pa ang 'human chorionic gonadotrophin level' (hCG) kung kaya't naging 'negative'. Ang 'hCG level' ang basihan ng mga PT. kung tunay na buntis nga, kapag inulit ang PT makalipas ang 2 linggo, ito ay nagiging 'positive' na.

T: Ang iyong regla ba ay dumarating bawa't buwan? sagot: Opo Kailan ang iyong huling regla? sagot: March 20-24 2008 Kailan ang sinundang regla? sagot: February 15-19 2008 
Iyan po sagot..Salamat po tlga Doc Gino. Siguro nga po sa sobrang kong stress kasi lagi po ako nakahiga.Tulog ng tulog sa hapon, puyat lagi. Minsan pagod sa gawaing bahay atbp. Makapnta po ako s 'gynecologist' upang magpacheckp-up para malaman kung ano dahilan at para maibigay ng gamot at maibalik s dating normal ng regla. At saka may BF po ako. Minsan lang po kami nagkaganon pero hindi nya pinapasok ung pglabas nya sa ari ko. Hindi sya gumagamit ng condom. Mabuti po sya na tulungan ako ng problema na ito at sinabi ko sa kanya n di pa ako nagkakaroon ng regla nung nakaraan ng buwan April kaya sabi nya gumamit ako ng pregnancy test para malaman namin kung ano negative o positive. Dalawang beses po ako gumamit ng pregnancy test ay 'negative' pa rin po. Kagagamit ko lang kahapon May 6.Ano po ba gagawin ko?

DG: Base sa history ng iyong regla, regular nga ito. Sana ay mali ako sa hinala na malamang ay nagdadalang tao ka. Maaaring mali ako. Sa 2 beses na paggami mo ng PT, ilang linggo ang pagitan nito? Sabi ko nga dati, mas mainam kung umabot ng 2 linggo ang pagsuri upang kung buntis man, mabigyan ng pagkakataon tumaas ang hCG level para makita sa PT at mag-positive ito. Kung hindi talaga buntis, negative pa rin ang magiging resulta makaraan ang naturang pagitan.

Ang PT ang pinakaunang senyales sa pagbubuntis. Kung nag-iisip ka magpa-ultrasound (US) sa ngayon, sa tingin ko ay mas mainam pa rin ang PT sapagka't mas late makikita sa US ang pagbubuntis kung ihahambing sa PT.
Kahit nag-withdrawal pa ang iyong boyfriend, ang ‘pre-cum’ na lumabas sa kaniya, at maaring naipunla sa iyo, ay mayroong milyun-milyong semilya na maaaring makabuntis.

Pansamantala, pag-usapan ninyong magkasintahan ang posibilidad ng pagbubuntis upang mapaghandaan at mapangalagaan ito. iwasang uminom ng kung anumang gamot ng hindi ipinapayo ng manggagamot dahil sa posibilidad ng pagdadalang tao.

T: Anu po b ang dahilan kung bakit hindi ako nagkaroon ng regla nung nakaraang buwan ng Abril? Sa ngaun po nagkaroon na po ako ng regla ngaun unang Mayo 8 2008. May masama po ba pag merun regla sa pag unang araw maliligo? May kelangan po ba uminom ng gamot kung regular ng regla o hindi regular ng regla? Ano po bang gamot para don upang maibalik sa dating normal ng regla. Pasensa po kung nagliliham ako sa inyo gusto ko po kasi ng malaman ang iyong sagot sa mga problema ko..Maraming salamat po sa inyo sana marami pa kayo matulongan para ang mga taong nangangailangan sa inyo gumagaan ang feelings n hindi nag-iisip ng mabigat at the best po nablebless sa inyo.tnx.


DG: Gaya ng sinabi ko dati, maaaring nagkaroon ng ‘hormonal imbalance’ ang iyong katawan hatid ng iba't ibang uri ng stress sa katawan. Kapag nagkaganito, maaaring bumalik muli sa normal ang daloy ng regla na hindi na kailangan pang uminom ng gamot. Kapag paulit-ulit na hindi nadating ang regla at hindi naman buntis, halimbawa, 3 buwan na irregular ang regla, iyon ang oras upang masuri ng mabuti para malapatan ng gamot.
Sa ngayon ay hayaan mo muna ang iyong regla. maaring bumalik iyan sa dati. Obserbahan mo muna. Upang maiwasan ang pagbubuntis, gamitin ng husto ang ‘condom’ o ‘contraceptive pills’ ayon sa ‘directions’ nito.

Tanong: Gud day poh..Ako po ay 23 taong gulang nakatira s Neuva Ecija..Nakita ko iyong site n Jeepney Press at my nabasa ko kung meron my karamdamang problema kaya puwede lumiham sa inyo. Kaya kelangan ko po ng tulong nyo.. Kasi po nagkaroon po ako ng problema. Bakit po ganon? Di ko lam kung ano delayed ako o buntis? Kasi 1month n ako di nagkakameans natry ko po ng pregnancy test ay negative po. Anu po kaya dahilan kung negative? Dati po kc tuloy tuloy ung months n pgkakameans ko.. Salamat poh.wait ko na lang po reply nyo...


Doc Gino (DG): Salamat sa iyong liham. Maari ko bang malaman ang mga sumusunod? Ang iyong regla ba ay dumarating bawa't buwan? Kailan ang iyong huling regla? Kailan ang sinundang regla?

Kung sigurado na hindi ka nagdadalang tao, maaring nagkaroon ng 'hormonal imbalance' ang iyong katawan kung kaya't hindi ka dinatnan ng kasalukuyang buwan. Maraming kadahilanan kung bakit nagkakaroon nito tulad ng 'stress' sa pag-iisip, kalusugan, pagkapagod atbp. Kung magkaganoon, kailangang masuri ng 'gynecologist' upang maibigay ang sapat ng gamot na makakapagpabalik ng normal na daloy ng regla.
May ibang tao naman na buntis nguni't 'negative' pa rin ang resulta ng 'pregnancy test' (PT). Ang dahilan ay masyadong maaga ginawa ng eksaminasyon at mababa pa ang 'human chorionic gonadotrophin level' (hCG) kung kaya't naging 'negative'. Ang 'hCG level' ang basihan ng mga PT. kung tunay na buntis nga, kapag inulit ang PT makalipas ang 2 linggo, ito ay nagiging 'positive' na.

T: Ang iyong regla ba ay dumarating bawa't buwan? sagot: Opo Kailan ang iyong huling regla? sagot: March 20-24 2008 Kailan ang sinundang regla? sagot: February 15-19 2008 
Iyan po sagot..Salamat po tlga Doc Gino. Siguro nga po sa sobrang kong stress kasi lagi po ako nakahiga.Tulog ng tulog sa hapon, puyat lagi. Minsan pagod sa gawaing bahay atbp. Makapnta po ako s 'gynecologist' upang magpacheckp-up para malaman kung ano dahilan at para maibigay ng gamot at maibalik s dating normal ng regla. At saka may BF po ako. Minsan lang po kami nagkaganon pero hindi nya pinapasok ung pglabas nya sa ari ko. Hindi sya gumagamit ng condom. Mabuti po sya na tulungan ako ng problema na ito at sinabi ko sa kanya n di pa ako nagkakaroon ng regla nung nakaraan ng buwan April kaya sabi nya gumamit ako ng pregnancy test para malaman namin kung ano negative o positive. Dalawang beses po ako gumamit ng pregnancy test ay 'negative' pa rin po. Kagagamit ko lang kahapon May 6.Ano po ba gagawin ko?

DG: Base sa history ng iyong regla, regular nga ito. Sana ay mali ako sa hinala na malamang ay nagdadalang tao ka. Maaaring mali ako. Sa 2 beses na paggami mo ng PT, ilang linggo ang pagitan nito? Sabi ko nga dati, mas mainam kung umabot ng 2 linggo ang pagsuri upang kung buntis man, mabigyan ng pagkakataon tumaas ang hCG level para makita sa PT at mag-positive ito. Kung hindi talaga buntis, negative pa rin ang magiging resulta makaraan ang naturang pagitan.

Ang PT ang pinakaunang senyales sa pagbubuntis. Kung nag-iisip ka magpa-ultrasound (US) sa ngayon, sa tingin ko ay mas mainam pa rin ang PT sapagka't mas late makikita sa US ang pagbubuntis kung ihahambing sa PT.
Kahit nag-withdrawal pa ang iyong boyfriend, ang ‘pre-cum’ na lumabas sa kaniya, at maaring naipunla sa iyo, ay mayroong milyun-milyong semilya na maaaring makabuntis.

Pansamantala, pag-usapan ninyong magkasintahan ang posibilidad ng pagbubuntis upang mapaghandaan at mapangalagaan ito. iwasang uminom ng kung anumang gamot ng hindi ipinapayo ng manggagamot dahil sa posibilidad ng pagdadalang tao.

T: Anu po b ang dahilan kung bakit hindi ako nagkaroon ng regla nung nakaraang buwan ng Abril? Sa ngaun po nagkaroon na po ako ng regla ngaun unang Mayo 8 2008. May masama po ba pag merun regla sa pag unang araw maliligo? May kelangan po ba uminom ng gamot kung regular ng regla o hindi regular ng regla? Ano po bang gamot para don upang maibalik sa dating normal ng regla. Pasensa po kung nagliliham ako sa inyo gusto ko po kasi ng malaman ang iyong sagot sa mga problema ko..Maraming salamat po sa inyo sana marami pa kayo matulongan para ang mga taong nangangailangan sa inyo gumagaan ang feelings n hindi nag-iisip ng mabigat at the best po nablebless sa inyo.tnx.


DG: Gaya ng sinabi ko dati, maaaring nagkaroon ng ‘hormonal imbalance’ ang iyong katawan hatid ng iba't ibang uri ng stress sa katawan. Kapag nagkaganito, maaaring bumalik muli sa normal ang daloy ng regla na hindi na kailangan pang uminom ng gamot. Kapag paulit-ulit na hindi nadating ang regla at hindi naman buntis, halimbawa, 3 buwan na irregular ang regla, iyon ang oras upang masuri ng mabuti para malapatan ng gamot.
Sa ngayon ay hayaan mo muna ang iyong regla. maaring bumalik iyan sa dati. Obserbahan mo muna. Upang maiwasan ang pagbubuntis, gamitin ng husto ang ‘condom’ o ‘contraceptive pills’ ayon sa ‘directions’ nito.

Reposted from here

86 comments:

  1. gud day poh ako poh c jhen 20 y.o from cavite. ittanong ko lang poh kung buntis ba talaga ko. kc huling mens ko nung april 01 un ung last regular nman ako monthly dinadatnan ako. nagkaroon poh ako ng mens. i dont know kung mens ba tlga un kc brown lang sya tapos konti lang patak patak lang. as in brown lang wlang red. sabi nla bka spotting raw yun proh 1 week akong ganun. brown lang tlga di nman ako nagkakaganun ng mens. imposible nmang stress ako ksi wla nman akong work sa ngaun. my ngyari smen ng bf ko nung april 07, 15, and 17. maaari ba kong buntis? and wla syang ginamit na protection. nagtake ako ng pt ngaung may 10 negative naman sya? tapos ngaun ngdidischarge ako start nung may 06 ng white thick na may tubig anu poh kya yun? thanks sna poh matulungan nyo poh ako. :)

    ReplyDelete
  2. @Jhen: Salamat sa iyong email. Kung may pagduda ka na ikaw ay buntis at negative ang resulta ng iyong pregnancy test, maaari mong ulitin ang pregnancy test makaraan ang dalawang linggo. Kung negative pa rin, makabubuting magpasuri sa isang Gynecologist upang maresetahan ng tamang gamot para sa regla. Kung mag-positive naman ito, magpasuri ka naman sa isang Obstetrician upang mapayuhan kung paano pangalagaan ang pagbubuntis.

    ReplyDelete
  3. good day! doc ako po si weng ng manila...maari po n pati kayo magulat sa sobrang abnormal ng regla ko..ako ay may asawa at 1 anak...june 2008 po ko nanganak..irregular po ang regla ko kaso dati rati 1 month po pinakamatagal pero ngayun naka pag tataka at 6 months na po ko dinadanan .nag test po ko negative at kung buntis man ko sa 6months po cguro n yan dapat malaki n ang tiyan ko...kayo hindi po talaga ko buntis. anu po ba dapat ko gawin na babahala po ko kasi di talga normal yung 6 months at sa aksalukuyan n di ako nag kakaroon...sana po matulungan nyo ko.salamat...

    ReplyDelete
  4. @Ena: Maaari mo bang sabihin kung ilang taon ka na? Kung malapit sa 50 ang iyong edad, pwedeng malapit ka na sa menopause. Kung ikaw ay nasa 20's pa lamang, ito ay kaso ng hormonal imbalance. Kung magkaganoon man, nararapat na magpatingin sa isang OBGYN upang masuri nang mabuti. Mayroon din namang kaso ng early menopause na kung saan kahit 40 anyos ay hindi na dinaratnan ng buwanang dalaw. Kapag nasa menopause na, kailangang magpareseta sa doktor ng pills upang mapangalagaan ang katawan dahil sa mga epekto ng menopause.

    ReplyDelete
  5. gud am po... ako po c chen2x, 22 y.o. from makati!! meron po kasi akong gustong itanong sa inyo with regards to menstruation din po.. hindi po ako yong my problema kundi po yong mama koh... 42 y.o. po sya..kc po dati pag nagkakaroon po sya, regular naman po.. then nung pinanganak po yong bunsong kapatid po namin bigla nalang po nagkaroon ng problema yong menstruation ng mama ko. kasi po pag nagkakaroon sya minsan umaabot ng 21 days which leads in bringing her in the hospital para maabunohan ng dugo... then mga ilang years po ang lumipas, nawawala napo yong problema na yon.. kaso this year po, my buwan na pag dinatnan po sya wala naman syang nararamdaman na sakit at regular naman.. pero po sa kasunod na buwan na magkakaron po sya, sobrang sumasakit po yong puson nya at yong right or left side po ng upper singit nya... i dont know po kung right or left po yon pero yon po lagi nyang kinokomplain yon.. at kasabay po nun sumasakit po yong lower back nya... sobrang sakit daw po... ilang days lang po na ganun yong nararamdaman nya kapag meron sya.. tapos nawawala naman... malakas po yong dugo nya... ano po kaya yong gagawin ko para makatulong po sa mama ko? kasi sobrang nahihirapan po sya kaso wala naman akong magawa..need ko po yong advice nyo regarding po sa problem ng mama koh?

    ReplyDelete
  6. @Moody: Isa kang mabuting anak na nag-aalala sa kapakanan ng iyong ina. Ang pagdurugo ng iyong ina ay hindi normal sapagka't kinakailangan pa niya na salinan ng dugo sa tuwina. Maaaring may problema sa loob ng kanya matres na kinakailangan na masuri ng dalubhasa. Nagpatingin na ba siya sa isang gynecologist? Kung hindi pa, ipinapayo ko na magpakonsulta. Susuriin ng gynecologist ang kanya pwerta at maaaring magpagawa ng ultrasound upang makita kung anuman ang problema sa loob ng matres.

    Base sa mga resulta ng pagsusuri, doon malalaman kung ano ang nararapat gawin upang maitama ang pagdaloy ng kanyang regla.

    ReplyDelete
  7. salamat dr. dino sa inyong payo.. sasabihin ko po kay mama ang sinabi ninyo... maraming salamat po.

    ReplyDelete
  8. gud pm po im christina of mindanao,im 20 yrs old kailangan ko po ang tulong nyo..dlaga po ako.irregular din po ako hindi na aku dinaratnan regla ,huling mens ko po noong march 27 po..hangang ngayon wla pa rin,mag 4 mos na po,ewan ko kung buntis ako,para kasing my naranasan ko na rin ang sintomas ng pag bubuntis po,masakit ang tyan ko,at nag karoon ako ng cramp ..palagi aku kain ng kain,sana matulungan nyo po ako slmat...

    ReplyDelete
  9. hello doc ,ako po ay 18 yrs.old tga bulacan po ako.5 months na po ako hindi nireregla,
    tanong ko lang po ano po ba epekto sakin niyun, may nangyari po samen ng bf ko nitong july 2,
    tnx po ,wait ko nlang po ung replay nyo,

    ReplyDelete
  10. @Christina: Maraming salamat sa iyong email. Kung apat na buwan ka na na hindi dinaratnan at kung ikaw ay buntis, malamang ay medyo malaki na ang iyong puson. Mangyari na iwasan ang pag-inom ng kahit anong gamot na hindi ipinapayo ng iyong manggagamot upang maiwasan ang side effects sa sanggol kung ikaw nga ay buntis.

    Mas mabuti na magpakonsulta sa iyong OBGYN upang malaman kung buntis nga at kung anong gulang na ng sanggol kung sakali man. Iwasan ang hilot dahil sa hindi kanais-nais na magiging epekto nito.

    ReplyDelete
  11. @Aquira: Salamat sa email. Hindi mo nabanggit kung kailan ang petsa ng iyong huling buwanang dalaw o regla. Kung limang buwan ka nang walang dalaw, dapat ay malaki na ang iyong puson. Mas makabubuti kung magpatingin sa isang obstetrician upang malaman kung ang dahilan ng pagkawala ng regla ay dahil sa pagbubuntis o hormonal imbalance. Iwasan ang hilot sa ganitong pagkakataon.

    ReplyDelete
  12. hi doc gino..im trixie 21 years old..tanong kolang po..kasi i want to make sure..dpa po kasi ako ngkakaroon e..may bf po ako nd may nangyari samin..may 29 den june 10 nakaron po ako di safe po dba..den may nangyari po ulit nung june 14 gumamit sya ng condom pero may nangyari ulit same nyt dna xa gumamit ng condom pero sure naman daw po xa na walang pumask sakn nung may lumabas na.. nung july 3 naulit po wala xang gamit na condom, gang ngaun po dpa ako ngkakaroon..nag pregnancy test po ako nung july 13 but its negative...is it possible na buntis po ako o stress lang po ako kasi isip ako ng isip e..i cant concentrate sa work...d din po ako makatulog...pero wala naman po akong nararamdamang kakaiba sa katawn ko...i mean ganun padin d ako nagsusuka o somethng..

    ReplyDelete
  13. gud am doc,n2ral lang po b na kumakati ang suso ng babae kpag may menstration? w8 ko po ung sgot nyo tnx po..

    ReplyDelete
  14. hello po doc, ako po c jen tanung ko lng po kc june 8 po dpat ang regla ko pero dumting cia ng june 15 hanggang 21 mahina lng po ito pantyliner lng po gmit ko una po mantsa lng n brown tpos red pgtapos po july 5 nagka mantsa po ulit ako hanggang 8 july 9 wla n ung mantsa ko po d2 as in bahid lng wlang red kala ko po d nko mag kakaron 2X po ako nag p.t negatve po naiicp ko n po n buntis ako kc mdjo lumaki ang blakang at puson ng konti ung mga shorts ko dti d n mgkasya skin kya lng po nagulat ako i2ng july 25 nagkamantsa po ulit ako at 26 mdjo lumakas 27 malaks n parang period n tlaga sobrang red po nia n parang itim n kapag marami at my mlapot n clear n prang 2big ang halo pero konti lng po un ngaun po ay meron p rin ako pero mahina n po prng patapos n na mens tanung ko lng po kng buntis ba ako? sna po ay masagot nio po ang katanungan ko kc po hndi po ako mpalagay n buntis ba ako o my skit nko slamat po godbless.

    ReplyDelete
  15. @Trixie: Base sa iyong sexual history, mukhang sexually active kayo ng iyong boyfriend. Ang ganitong relasyon ay hindi malayong mauwi sa pagbubuntis kahit na nag-withdrawal pa kayo. Mangyaring ulitin ang pregnancy test dalawang linggo makatapos ang iyong huling pregnancy test. Kung negative pa rin, mas makabubuti kung magpatingin sa iyong OBGYN upang malaman ang dahilan ng paghinto ng buwanang dalaw.

    ReplyDelete
  16. @Julie Ann: Wala pa akong nakitang ganyang kaso.

    ReplyDelete
  17. @Jen: Subukan mong mag-pregnancy test upang malaman ang posibilidad ng pagdadalang-tao. Maraming salamat.

    ReplyDelete
  18. hello poh..ako po si maureen kate..problema ko po kasi..hindi kasi ako inaabutan ng menstration.yong last ko na period ay noong april 13-16.kunti kunti lang po sya.tapos bumalik po period ko noong july 29 hanggang ngayon po aug.5 ay hindi parin siya tumitigil..malakas parin at marami ang dugong lumalabas.last year ko pa po ito na eexperience...ano po gagawin ko?? wait ko po reply nyo.

    ReplyDelete
  19. hello poh. ung last period ko po ay noong april 13-16 tapos bumalik po sya july 29 haggang aug.5 malakas po sya.dati po anemic po ako iwan ko lang ngayon kc sbi ni mama nagamot ndaw ako.tanong ko lang po kung ano gagawin ko kc nag woworied na po ako..,slamat po inaasahan ko po ang iyong pagtugon..

    ReplyDelete
  20. @Maureen: Kung isang taon ka nang dinudugo, nakapagtataka na hindi ka nagpunta sa ospital upang ito ay ikonsulta. Kung ikaw ay maputla na, mas nararapat na magpatingin na sa ospital upang ito ay malunasan.

    ReplyDelete
  21. Hi po doc Gino, ako po si annatelle ng mandaluyong, 19 yrs old, may itatanong po sana ako, ndi pa po ako ngkakaron ngaung buwan, ang huli ko pong mens ay nung june 24 to 27 2010 pa, at ngaung aug 11 2010 na hindi padin po ako ngkakaron, my nngyari po smen ng bf ko ng july 2 2010, ng pregnancy test po ako last month, mga week ng katapusan ng july, tpos ngpositive po, nttkot ako na baka buntis po ako, ng test ako mga tanghali na sobrang sakit ng sikmura ko po... doc sana matulungan nio po ako. hihintayin ko po reply nio, mraming salamat po.

    ReplyDelete
  22. nga pala doc, first time lang po my nangyari saamen ng bf ko, ng july 2 2010. ndi ko po tlga alam gagawin natutuliro na po ako, hihintayin ko po yung reply nio, maraming salamat po ulit, si anatelle po ito..

    ReplyDelete
  23. maraming salamat po. doc. may tanong lang po ako sa inyo kc po yong pinsan ko po, parihas kami ng kalagayan..ang pagkakaiba lang ..pag mayroon syang period. sumasakit po ulo nya.masama pakiramdam nya..tanong nya po kung ano ibig sabihin non.at kung may ipekto po yon.o kung natural lang iyon sa m,ga nagkakaperiod??

    thanks po uli..at wait ko po reply nyo..

    ReplyDelete
  24. @Anatelle: Ngayong ikaw ay buntis na, mas makabubuti kung mag-regular prenatal check up sa iyong doktor. Ang nararamdaman mong pananakit ng sikmura ay pwedeng may relasyon sa iyong pagbubuntis. Maaaring naglilihi ka na.

    ReplyDelete
  25. @Maureen Umacob: May mga babae na sa tuwing nagkakaroon ng buwanang dalaw ay kung anu-ano ang mga nararamdaman gaya ng pananakit ng ulo. Kung ang sintomas na ito ay sapat upang hindi makapasok sa trabaho, paaralan o hindi magawa ang mga ordinaryong gawain, mas makabubuti na bumisita sa iyong doktor. Baka ito ay kailangan ng masusing konsultasyon. Kung hindi naman, uminom na lamang ng paracetamol.

    ReplyDelete
  26. Doc, pano nio nmn po nasabi na buntis ako. natatakot po ako, ayoko pa po magkaanak, ayoko po mabuo ang bata, natatakot din ako mgpa-abort baka magka hemorrhage ako. ayoko po tlga mabuo ung bata doc, sana matulungan nio po ako. ano po ang best na gawin, ayoko po tlga mabuo ung bata. gusto ko po sana ipaabort ung bata, i mean in a safe way... sana matulungan nio po ako doc.

    ReplyDelete
  27. hello doc c joy po e2 from quezon city, tanung ko lang po nagkaroon po kme ng contact ng bf ko nung april 2 beses lng po withdrawal nman po xa, nung may 6-12 po nagkaroon nman po aq ng menstruation, nung dumating po ang june hanggang ngayon d parin po aq dinadatnan.
    buntis po kaya aq?, lumalaki na po puson ko tumataba n din po,nkkaramdam din po aq ng pgka duwal,pero ereg nmn po aq mag mens.,pero d po tumatagal ng hnggang 3mos. po, nag PT na po aq nung lastweek negative po. pinilit ko lng po umihi nun at nag try lng po mura lng po ung PT n binigay skin ng kaibgan ko. sana masagot po nyo katanungan ko ngayon po tenk u po.

    ReplyDelete
  28. magandang gabi po
    ako po ay 21 taon gulang
    itatanong ko lang po kung paano ko po gagawing regular ang menstruation ko
    mula po kasi noong una akong niregla ay irregular na ako
    at ngayon po kasing august 2010 ay hindi pa ako dinadatnan
    noong nakaraang april hanggang june 2010 hindi rin po ako dinatnan
    noong july 03 2010 na po ako dinatnan kinabukasan po iyon pagkatapos ko magpacheck sa OB ko po
    dapat nga po magpapavaginal ultrasound po ako noon dahil iyon po ang sabi ng aking OB kaso dahil nga po dinatnan na ako kinabukasan ay hindi ko na iyon ginawa
    natatakot din po ako dahil baka buntis po ako,
    uminom po kasi ako ng ponstan 500 at dolfenal ng ilang beses dahil sa sobrang pananakit ng aking ngipin.
    maraming salamat po

    ReplyDelete
  29. @Anatelle: Ayon sa iyong mensahe, nag-positive ang pregnancy test. Ang ibig sabihin nito ay nagdadalang-tao ka na. Mas mainam kung ito ay iyong ipaaalam sa iyong kasintahan at pamilya upang ikaw ay masuportahan nila. Ang balak mo na paglalaglag ng dinadala ay mas makasasama para sa iyong sarili at dinadala. Maraming kaso na akong nakita na ikinamatay ng nagpalaglag. Mas mabuting isipin ng mabuti kung ito ang iyong plano.

    ReplyDelete
  30. @Okatherinejoy: Upang malaman kung buntis o hindi, maaaring ulitin ang pregnancy test dalawang linggo mula sa huling paggawa ng pregnancy test. Kung wala pa ring regla at negative ang resulta, magpasuri sa iyong gynecologist upang malaman ang sanhi ng pagka-delay nito.

    ReplyDelete
  31. @Clyde Louis: Kung ikaw ay nababahala sa pagiging irregular ng iyong regla dahil sa natural na irregular na daloy nito, mas mainam kung sinunod mo ang payo ng iyong doktor kahit na ikaw pa ay dinatnan ng regla o hindi. Kung nababahala ka sa posibilidad ng pagbubuntis, subukang gumamit ng pregnancy test upang malaman kung nagdadalang tao o hindi. Magpakonsulta muli sa iyong manggagamot, may regla man o wala, upang malaman at masuri ang iyong kondisyon.

    ReplyDelete
  32. Good evening po. Isasangguni ko lang po sana. 1 year po kasi na wala akong regla. sabi ng friend ko hormonal imbalance daw yun bukod kasi sa mataba ako eh lagi ako tagtag sa biyahe malayo kasi work ko. Dahil dun nagpapayat po ako, ngayon medyo nabawasan na ko at malapit na rin ang bahay ko sa work, then dumating na po yung menstruation ko nung August 11, 2010...till now meron pa rin po ako. Nung 1st to 5th day eh mahina pa siya pero nung pang 10th day na minsan lumalakas siya sa gabi minsan eh may buo buo pa. Minsan malaki pa yung buong dugo. Pag maglalabas ako ng buong dugo may kasabay na malakas na labas ng dugo. Tapos hihina na naman siya. Sabi ng friend ko yun daw yung masamang dugo na dapat nailabas ko na nung 1year wala akong mens. Natural lang po ba na tumagal ng ganung araw ang mens ko from aug 11 till now.

    ReplyDelete
  33. @April: Hindi normal ang daloy ng iyong regla sapagka't ayon sa iyong description, ito ay napakalakas at may buo-buo pa. Maraming pwedeng isipin kung ano ang dahilan nito. Mas makabubuti kung magpapasuri sa isang gynecologist upang malaman ang sanhi nito at mabigyan ng nararapat na lunas.

    ReplyDelete
  34. salamat po ng marami doc...malaking tulong po ang site niyo

    ReplyDelete
  35. Hello!Doc, My itatanong lng po sana ako?delay na kasi ako ng 3months ko tapos sa susunod na buwan mag 4 na..sinubokan ko na pong dalawang beses na mag PT kaso puro negative po..Yung last period ko po ay May 9-15, 2010..Sana po matulunan mo ako sa problema ko..salamat

    ReplyDelete
  36. @Shiela: Napakahalaga ng edad upang malaman kung ano ang sanhi ng pagpalya ng regla. Kung kaya't mas mainam kung nabanggit mo ito. Kung ikaw ay nasa edad ng pagbubuntis, 20-40 gulang, maaaring ang dahilan ng problema sa iyong regla ay "hormonal imbalance". Magpunta sa iyong "gynecologist" upang makatiyak kung ito nga ang iyong kondisyon. Kung magkaganun man, malamang ay resetahan ka ng gamot upang maging regular ito.

    ReplyDelete
  37. hello doc.. im kylie 17 yrs.o from cavite.. ask ko lang po kung anu po yung pwedeng gawng test, bukod sa PT pra malamn po na buntis?? home test po doc.. salamat po.. i'll wait your reply..

    ReplyDelete
  38. @Kylie: Upang malaman ang posibilidad ng pagbubuntis, pakiramdaman kung may pagsusuka, masakit ang ulo, pagkahilig sa mga hindi ordinaryong pakain, atbp. Ang paglaki ng suso ay isa pa sa mga sintomas ng pagbubuntis.

    Ang mga ito ay maaaring gawin sa bahay nguni't hindi ibig sabihin na kapag mayroon ng mga ito ay 100% na buntis nga. May pagkakataon na ito ay mag-false positive.

    ReplyDelete
  39. doc anung gsmot sa delay meantruation dhl my nangyari smen.ung nd po nkunsulta sa doktor
    as in medecine lam po

    ReplyDelete
  40. hi doc..im carra21 yrs old..ask ko lang po kung buntis po ba ko..huli po kong nagkaroon ay august 07-august 12 may nangyari po sa amin ng bf ko pero withdrawal po,matwo weeks n po kasi akong delay.Pero ngka whitemens po ko?..tnx po..

    ReplyDelete
  41. hi po doc ask ko lang po kc nung sept3nakaroon po ako tapos ng period ko nung sept9 or 10 tapos nitong po na nagkaroon AKO ng bleeding sa white menstrution ko pero hnd po sya malapot malabnaw!minsan meron bleeding minsan nman white lang po sya!ano po yun nag tataka lang po ako!!pwede po malaman kong bakit nagkaroon ako nun!

    ReplyDelete
  42. hello po doc!may ask lang po ako..!sept 3,nagkaroon po ako ng period then natapos po yung nung sept 9 or 10 pero pahabol na po yan!then ngaun po nung isang araw yung white menstrutrion ko may halo po syang bleeding tapos maya maya wla na po then kinabuksan meron na nman po pagkalipas ng ilang oras white na nman!ano po ba yun naalala lang po ako!kc hnd nman yta pahabol yan ng period ko kc matagal na!!sana po masagot nyo po!!thanks po!

    ReplyDelete
  43. @Keisha: Bago uminom ng gamot na pamparegla, dapat munang malaman kung buntis o hindi. Kung buntis, ipinagbabawal na uminom ng gamot pamparegla sapagka't baka makaapekto sa sanggol, at lalong kakapit ang ipinagbubuntis.

    ReplyDelete
  44. @Alone: Upang malaman kung buntis o hindi, gumamit ng pregnancy test. Kung negative ang resulta at hindi pa rin dinaratnan ng regla, ulitin ito makaraan ang dalawang linggo. Kung negative ulit, magpasuri sa isang obstetrician. Kung positive man, congratulations sa iyo.

    ReplyDelete
  45. @Roshery: Kung ganyan ang itsura ng iyong regla dati pa, maaari na ito ay regla mo nga. Kung hindi naman, pwedeng isipin na infection. Ipasuri ang discharge sa iyong gynecologist upang malaman kung ano ang discharge na iyong nakita.

    ReplyDelete
  46. doc: ask ko lang po kung "bakit mahina dumaloy ang aking menstration" dahil po kaya un s pginom ko po ng mga gamot?kc po nagkasakit po ako last sept.4 2010 up to sept. 7 2010 so, ngpacheck-up po ako at ang kalabasan UTI at bumaba po ang platelet ko so, marami po nireseta gamot ang doctor sa akin at last sept. 13 2010 magaling na po ako. nagkaron na po ako nung sept. 17 2010 pro spot lang po den the next day aun na po pro sumakit ang puson ko at uminom po ako nung niresetang gamot un po ay "eveprim" nawala nmn po ung sakit pro po nagtataka po ako na mahina dumaloy ng menstration ko.

    sana po masagot niyo ang katanungan ko.
    thank you.

    ReplyDelete
  47. doc im jheadel from makati 24 years old sept 5 po me ngkron ntpos kagad ng 10 tas ng contact po kami ng bf ko ng sept 12 nung 14,17,18,19,22,tas malamang bukas mabubuntis po ba ako wala po lahat po un putok sa loob...gusto n po kasi nmin mag kababy maraming salamat po sa pag basa nito ingat po kayo palagi

    ReplyDelete
  48. @Arah: Marahil dala ng "dengue infection" kung kaya't humina rin ang daloy ng iyong regla. Ang "evening primrose" ay isang "alternative drug" upang pagalingin ang sakit sa puson. Mas maiging obserbahan ang daloy ng regla sa tatlong susunod na "cycles". Kung ganoon pa rin, magpasuri sa iyong "gynecologist".

    ReplyDelete
  49. @Anagracechua: Sa dalas ninyo magsiping, malamang ay magdalang-tao ka na. Hindi basehan ang "withdrawal" para hindi magbuntis. Ang "pre-cum" ay ang pinakamaraming laman na "sperm cells."

    ReplyDelete
  50. hi again doc, una po ay nagpapasalamat po ako sa advice nyo.

    ulit hihingi po ako ng advice nyo bout pregnancy. Kase po year 2007 nabuntis po ako then prangkahan na po doc, nagpa-abord po ako sa kadahilanan po na financial problem at aksidente po na mabuntis po ako,then nung nawala na po ung baby sa sinapupunan ko, nabuntis po ulit ako ng january 2008 at napagisipan po namin ng boyfriend ko na buhayin ung nasa sinapupunan ko at nagpacheck-up po agad ako sa OB ko, inultrasound po ako ng OB ko para po makita ung baby pero 1month pa lang po ako buntis nun then sa ultrasound wala po makita buo ung baby sa sinapupunan ko kahit maliit lang then inadvice po niya ako na magpa transvaginal then nagpatransvaginal po ako at ang result hindi raw po nabuo ung baby ung baga bugok po ang result, at march 2008 bigla na lang po ako dinugo at sumakit po ung puson ko ung ba na akala po na manganganak? inire ko po ung sakit sa puson at my bigla po lumabas sa pwerta ko na un nga po parang bugok na laman.
    natatakot po ako kung bakit ganun, sa kadahilanan po kaya ng nag pa abortion po ako?
    hinihingi ko po ulit ang result galing po sa inyo. salamat po.

    ReplyDelete
  51. @Arah: Hindi ko masasabing may koneksyon ang pagpapalaglag mo dati at ang pagkakaroon ng "blighted ovum" o parang nabugok na pagbubuntis. Ito ay nangyayari nagpalaglag man o hindi.

    ReplyDelete
  52. Good Evening Doc, itatanong ko lang po normal lang po ba na madelay yung mens ng asawa ko after nya tumigil mag pills, kasi before nung gumagamit sya ng pills normal po yung nagiging mens nya tapos last month sinabi ko na tapusin nya na yung pills nya, kaya 2nd week ng spetember yung huling inom nya kasabay ng mens nya, after nun pinatigil ko na po, kaya lang doc ngayong month na to hindi pa din sya nagkakaroon ng mens, dapat po sana october 6 meron nang mens asawa ko pero hanggang ngayon wala pa din nagtry sya gumamit ng preg. test pero negative, doc sana po matulungan nyo ko sa problema ng misis nagwoworry na din po kasi asawa ko eh. maraming salamat po.

    ReplyDelete
  53. @Jciyeth: Natural lamang na pumalya ang regla kapag itinigil ang pag-inom ng "oral contraceptive pills". Depende kung gaano katagal niya ito ininom kung kailan manunumbalik ang normal na daloy. Obserbahan ng isa o dalawang buwan kung ito ay babalik. Tandaan ang posibilidad ng pagbubuntis kapag itinigil ang "pills".

    ReplyDelete
  54. Good Evening Doc, itatanong ko lang po kung ano po ba puwede kung inumin para maging normal na regla ko. Nung August 11 po kz nagkaroon ako pero 1 hour lang nawala na agad. Nung second naman na nagkaroon ako nung September 17, 1 hour din po itinagal nya. At yung last po ngayong October 7, 1 hour pa rin po nawala na, lagi na lang syang kulay brown at sobrang sakit pa ng puson ko. Dati naman po every month ako nagkakaroon at tumatagal ng 3 days. Kung minsan lang po naghihintay pa ako ng 2 to 3
    months para magkaroon.
    Sana po masagot nyo agad tanong ko..
    Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  55. @Colin: Bago resetahan ng gamot, kinakailangan nang masusing eksaminasyon ng "gynecologist". May mga "laboratory tests" na maaaring gawin upang malaman ang sanhi ng "irregular menses." Kung kaya't mas mabuting magpa-"check up" munasa iyong doktor upang mabigyan ng sapat na lunas.

    ReplyDelete
  56. dr. gino.. just wanna ask something iregular po kasi menstruation ko.. minsan hndi po ko ngkakaron 1 month... worried po ako ngyn my last mens is nung sept27 den nkipagsexual intercoarse po ko nung oct 18 and 26 doc.. hndi pa po ko ngkakakron.. baka po buntis nko? ano po gagwin ko.. ang sakit na po ng breast ko bka mgkakakron nko tpos may mga pasa na dn ako.. doc anu ba gagawin ko? doc sa tingin nyo buntis na ba ko? hndi nmn nya winidraw skin.. hope po mgreply kyo salamat! fertile po ba ko nung 18 at 26?? doc pls mamatay nko kakaisp naisip ko nmn bka stress lng kasi netong finals namin lagi akos tress puyat... pwede nbah ko mgcheck ng PT?? pls doc answer me asap! papatayin ako smin huhuhuh

    ReplyDelete
  57. @syrielle: Subukan mo na gumamit ng "pregnancy test" (PT). Kung ito ay mag-"negative result", ulitin ang PT makaraan ang dalawang linggo.

    ReplyDelete
  58. Good day Dr.Gino, Am Angel,22 yrs.old, Nandito po ako sa japan,sana po matulungan nyo po sa aking problema,first time ko po kc ma-delay ng mens ko, dapat po kc nung Oct.27 ay mag kaka-mens nko,hanggang ngaun po ay wala parin po...Doc ang gamit ko pong PILLS dati ay Japan pills,regular po ang mens ko sa pills na yan,pero may side effect po sa akin,sumasakit po kc ang ulo ko sa japan pills,netong huling mens ko po,simula po nung natapos po ang huling mens ko nung SEPTEMBER,pinalitan ko po ng DIANE 35,...so maganda po ang epekto sa akin ng diane,ang naging problema po ay ung time na expected na magkakaroon po ako ay hindi po lumabas,....1 week,wala parin po,try ko na po mag pregnancy test,negative naman po...2 weeks,try ko po uli mag test,negative po uli,kinabukasan po ay nagpa-check na po kmi na mister ko sa doctor d2 sa japan,tinest nya po ako at hinawakan ang masakit na parte sa puson ko,sinilip po ang loob ng ari ko,....normal po ang findings nya sa akin,delay at maghintay lang po ako,binigyan nya po ako ng mga gamot,good for 1 week,sabi ng doctor d2 bago maubos ang gamot ko ay magkakameron na po ako....Doc hanggang ngayon po ay wala parin ako mens.,hindi na po kc kami nakabalik sa doctor dahil bc po ang asawa ko sa trabaho,pinapalakas nya lang po ang loob ko ang sabi nya maghintay hintay lang po kami at babagsak din daw po ito....natatakot po ako doc baka kung ano na po ito,puro sakit nlang po ang nararamdaman ko,masakit po ang puson ko...sana doc,matulungan nyo po ako,at sana mabigyan nyo po ako ng pwede kong mainom...doc sana tulungan nyo po ako.

    ReplyDelete
  59. @Mike: Base sa iyong mga sinabi, ang dahilan marahil ng pagloloko ng iyong regla ay ang hindi tamang paghinto ng pag-inom ng pills. Ang pagpapalit ng pills ay natural na magkakaroon ng pagbabago sa daloy ng regla. Iba-iba ang epekto ng mga pills sa regla kung kaya nag-iba ang dating nito. Ang maipapayo ko sa iyo ay ang paggamit ng condom kung hindi ninyo muna gusto magkaanak. Bukod dito, kinakailangan na magpa check-up ka muli sa iyong doktor at sundin ng tama ang pag-inom ng gamot. Maaari ka naman magpasama sa ibang tao kung hindi pwede ang iyong mister. Maaari rin naman na magpunta ka mag-isa. Ang pinakaimportante ay magpacheck-up ka at sundin ang payo ng iyong doktor.

    ReplyDelete
  60. doc, im 21 y.o. last menstrutaion ko was nung Oct. 14-19, 2010. im expecting na mgkakaroon na ko nung Nov. 7. pero unfortunately po, wala parin po ako until now, Dec. 12, 2010. may nangyayari po samin ng boyfriend ko, withdrawal po, and we know po na its not safe though. ive done the test po once nung dec9 and another on dec. 11, just yesterday . and it showed both postive results. kaya lang po, ung second result, medyo uncertain ako. kasi ung line sa may control zone, its not that red as with the Test Zone. parang light pink color lang sya.. how will i read dat doc? is it invalid? postive? or negative? is there a chance pa po ba na hindi matuloy yung pregnancy? or a chance po na magkaron ako ng menstruation? are preg tests po ba 100 % accurate? thanks doc. maraming salamat po.

    ReplyDelete
  61. hello doc ! 22 yrs old na po aq , may problema aq tungkol sa regla po. last means q po is nung may15,2010 . after po ng regla na un di na po aq ulit nagkaroon hanggng ngaun. may nka sex po aq nung may15 pero hindi nman po aq buntis. iregular din po ang regla ko. pang dalwang beses na po ito nangyari sa akin. ano po kaya ang posibleng dahilan bakit po aq ganto? natatakot po aq magpa check-up sa doctor. salamat po ! mag hihintay po aq sa sagot .

    ReplyDelete
  62. @Emily: Kung naging positibo na ang resulta ng iyong "pregnancy test," senyales ito ng pagbubuntis. Kung malabo ang kulay sa PT, ang ibig sabihin ay tunay na may pagbubuntis na nagaganap at walang relasyon sa ikalalaglag nito.

    ReplyDelete
  63. @Jeanella: Mas makabubuti kung ikaw ay magpasuri sa isang "gynecologist" upang malaman ang sanhi ng iyong "irregular menstruation." Hindi magamot ng takot ang iyong suliranin.

    ReplyDelete
  64. gud day doc.. i have a problem bout my means can u help me??? im krish from davao.. 19 yrs old..halos katulad din po ito saibang sender.. ala pa kac means ko til now.. nong nov 2 ung last means ko nkalimutan ko lng kailan nag end pero bago po tuluyan nagstop means ko doc my ngyari po samin ni bf.. nsaundan pah un ng nasundan doc taz last nah sana nong dec 5.. peo ala parin means ko doc taz nong dec 9 naduduwal ako ntakot ako sobra kac nga bka buntis na ako peo nalilito ako bka rin kac sanhi lng ung ng ulcer ko kea nagduduwal ako taz kulang tulog ko that time 2AM nAh ako natulog non ehh taz gumising ako 5:30AM kac work nga taz naligo.. kya nalito ako bka un lng ang sanhi non pagduduwal ko or buntis nako.. inaantok rin ako doc kea lng l8 nah rin kac ako matulog ehh.. taz pagka dec 11 doc 2AM nag PT ako negative nMn pero bakit til now doc d parin ako means? ginamit ako uli ni bf khapon pra dao mayogyog ung matres ko at maregla na peo li parin nmn.. takot ako doc bka buntis na ba ako or hindi.. peo datirati pa nmn doc irregular nah talga means ko.. ds month regla ako nxt month nmn hindi.. pinkatagal nga li ako niregla 4months nga ehh pero d ako xado ntakot kac ala nmn gumalao sakin peo ngaun ito.. am i pregnant doc? medyo mlaki rin tyan ko.. im confused if it just a baby fats or my baby na talga.. help me doc coz im going crazy thinking of this.. taz everytime magtalik kami ni bf doc d nya niwiwithdraw.. mag 4months nah namin ginagwa to doc everymonth probz talga kac lagi delayed.. abnormal kac tlga means ko doc ehh.. taz ung bf ko my probz din nmn sa kanya ehh my difficulties dao xa mkabuo kac sumtimes mlaki nga ung itlog nya ehh.. help us doc tnx..

    ReplyDelete
  65. gud am doc..ako nga pala si Nors may gf ako at may nangyari sa amin pero kakatapos lng ng regla nya nung umaga na yon at nung hapon ay may nangyari sa aming dalawa nais ko po malaman if posble ba na mabuntis yun pero di ako nilabasan ng anumang fluid..wait ko po answer mo honoriosuyom@live.com thanks.

    ReplyDelete
  66. doc magandang araw ako si lea from mindanao tanung ko lng po kung buntis ba ako o hindi kasi hindi ako dinatnan ngayong buwan dapat dec.16 may regla na ako bt wla pa rin every 16 ksi yung mens ko doc, takot pa ksaing akung mabuntis doc kaya naisipan ko pong mg liham sayo sana matulungan niyo ako doc. nag try ako ng PT e negativ yung result doc, anong gagawin ko doc mgka regla ako tulungan niyo po doc..lea..slamat poh..

    ReplyDelete
  67. hi doc, i am worried for almost 2 weeks now. iam 23 years old. May ngyare po samen ng friend ko last dec 2. may gamet po ciang condom at hndi nglabas sa loob ko. inalis nya po nung lalabasan na cia. so dun po cia nlabasan sa condom. ang problem po ay hndi ko sure kng bket wala kong menstruation up until today. hndi ko ppo maalala ung last month kng kelan ako ngkaron. ngaun po smsaket ung puson ko at parang mgkakaron ako pero wala pa dn.
    regular nman po ako pero hndi ko lang po tlga tnatandaan ung mga dates ng period ko. first time ko po kc mgkaron ng sexual activity. first time po un nung dec 2 so hndi ko po alam bat ganun. bket wala pa ko. ngkaron npo ako ng pimples at ibang sign pgngkakaron ako pero wala pa ring mens. ngwowoeey lang po ako kc may ngyare smen pero nkacondom cia at ngwithdraw.
    pano po un? bket po wla pa ako period.

    hope you can shed some light on this matter. thank you doc.

    ReplyDelete
  68. Doc ako po si vanesa 25 yrs old may gusto lng po sana ako i consulta sa inyo.. Doc Pwede po ba magbuntis kahit dumating na mentration mo after 27 days ? iregular po ako minsan 25, 27 22, this year.. Nov 4-5 last period ko.. tapos po Nov 12 nagsama kami ng bf ko pero wala po sexual intercourse but were both naked po... after po nun na stress po ako laging nag iisip minsan umiiyak sa takot na bakapreggy ako.. kasi feeling ko po preggy ako. huhuh ewan ko bakit ganun tas wala aman po ako symptom ng pagsusuka perominsan parang masusuka ako pagka gising sa umaga dahil kulang po ako sa tulog na me makatulog hanggang d dumadating ung period ko...tas ala melakas ngloob na bumili ng pregnancy test at magpa check up sa doctor .. sa pag hihintay ko po ng mens ko Dumating po sya ng Nov 29- Dec 1 heavy po .. dun po gumaan pakiramdam ko..

    posible po ba magbuntis kahit nangka mens ako??

    nang mapansin ko po na feeling ko parang lumalaki ung tyan ko pero inde nmn ako nag gagain ng weight lalo pa po nabwasan huhuhuh
    na pa paranoid na po ako doc lalo na sa mga nababasa ko sa internet.. kaya po laking pasasalmat ko ng makakita me ng Doctor nahigit nanakaka alam ng tungkol sa mga ganitong situation.... Doc gusto ko na po mapanatag isip ko pero ayoko po magpa check up kasi baka pagdudahan ako ng parents ko...

    malaki pong tulong if masasagot nyo po matagal ko ng problema
    Thank you doc and more power

    ReplyDelete
  69. @Krish: Tunay na napakahirap intindihin ng iyong liham. Bukod sa ito ay napakahaba at paulit-ulit, napaka-"abbreviated" ng iyong pagbaybay at mala-Jejemon pa ito. Sa ganyang sitwasyon na hindi maintindihan ang iyong liham, malamang ay mali rin ang mga magiging sagot sa iyong problema.

    Kung malaki na ang iyong tiyan, malamang ay pagdadalang-tao na ito. Mangyaring magpakonsulta sa iyong doktor upang maipa-"ultrasound" ang iyong matres. Kung ito ay isang pagbubuntis, malalaman ang edad ng nasa sinapupunan. Kung hindi naman ito pagbubuntis, malalaman kung ano ang dahilan kung bakit nalaki ang iyong puson.

    ReplyDelete
  70. @Honorio: Posible na magbuntis kahit hindi nilabasan ng semilya dahil ang "pre-cum" ay napakaraming "sperms cells" na maaaring makabuntis.

    ReplyDelete
  71. @Leajin: Subukan mong ulitin ang "pregnancy test" dalawang linggo makatapos ang unang "pregnanacy test." Kung "negative" pa rin, magpasuri sa iyong doktor.

    ReplyDelete
  72. @Cheesecake: Kung nangangamba ka na magbuntis, tiyakin na tama ang paggamit ninyo ng "condom." Gumamit ng "pregnancy test." Kung maging "negative" ang resulta at wala pa ring regla, ulitin ito makaraan ang dalawang linggo. Kung "negative" pa rin, magpasuri sa iyong OBGYN upang malaman ang dahilan ng kawalan ng regla.

    ReplyDelete
  73. @Ragnarok: Hindi ko maintindihan kung ano ang iyong pino-problema. Ang pagkakaroon ng regla ay senyales na hindi nabuo ang pagbubuntis.

    ReplyDelete
  74. hi po dok.. prangkahan na po.. nagtry po kameng magpalaglag ng asawa ko.. dinugo po siya ng sobra pero hindi po lumabas ung baby.. nagpacheck up po kame,normal naman daw po ung baby.. plano na namen ngaung ituloy ang baby pero ang problema eh patuloy na nanakit puson ng misis ko.. binigyan lang kame ng pampakapit ng OB namen meron po ba kayong ibang mapapayong gamot para samen?

    ReplyDelete
  75. @TonyMar: Ang maipapayo ko sa iyo ay magpa-check up muli sa inyong OBGYN upang makasigurado na hindi tumuloy ang pagkalaglag ng dinadala.

    ReplyDelete
  76. hello po dok..ask ko lang po if mabubuntis po ba ako if nung last nov 23/24 po nagkaroon ako ng mens tapos nag end sya nung nov 26/27...tapos po nag sex kame nung bf ko last dec 5,2010 lang po...mabubuntis po ba ako nun? at tsaka po ano po ba ang mga sinyales na ikaw ay mabubuntis pagkatapos palang ng pakikipagtalik sa bf..

    ReplyDelete
  77. gud day doc.. until now doc hindi pa rin ako dinadatnan.. 2months delayed na po ako doc: buntis na po ba ako doc?????? nag take naman ako ng pills malapit ko na nga maubos ehh nasa white tablet na ako pero bakit di parin ako dinadatnan? buntis na po ba ako? medyo malaki rin tyan ko doc ehh..

    ReplyDelete
  78. aq po si reim aq po ay 18 plng nuon ng makunan dhil nmatay ung bata s tyan q tpos po now 2months n po aqng delay 4x n po aqng nag pt pero negative po tlga pero mejo nlaki puson q mnsan nsakit puson q pero wala po tlga anu po b ggwin q wala p nmn po aqng pera para mag pa checkup

    ReplyDelete
  79. @Elaine: May tsansa na magdalang-tao ka kung kayo ay nagtalik ng iyong nobyo. Ilang sa mga sintomas ng pagbubuntis ay ang pagsusuka, pagkahilo at walang ganang kumain o paglilihi.

    ReplyDelete
  80. @Krish: Kung hindi ka nakalimot uminom ng pills kahit isang tableta, malayo na ikaw ay nagbuntis. Kung nakalimot ka, malaki ang tsansa ng pagbubuntis. Mas mainam kung magpasuri sa isang OBGYN upang malaman ang sanhi ng pagpalya ng regla.

    ReplyDelete
  81. @Reim: Kung ikaw ay nasa Maynila, maaaring magpakonsulta sa PGH, Jose Reyes, Ospital ng Maynila at magpakonsulta sa isang OBGYN. Maaaring kailanganin ang ultrasound upang malaman ang dahilan ng iyong problema. Kung nasa labas naman ng Maynila, maghanap ka ng government hospital upang makapagpatingin ng libre.

    ReplyDelete
  82. hello po doc, ask ko lang po kung mababa po ba ang posibilidad na mabuntis kapag nag-sex right after menstruation? 19-22 ako nagkaroon, 23 po kmi nag-do. mabubuntis po kaya ako nun? ksi po napapraning na ako, hindi pa rin ako nagkakaroon until now. i need po your answer, salamat po in advance!

    ReplyDelete
  83. hello doc...ask ko lng po panu kapag medyo mahina na ung menstruation ko now kesa dati?..sign nb un na buntis ako?..wla pa nmn ako nararamdaman na signs eh..

    ReplyDelete
  84. @Jean: Mababa ang posibilidad ng pagbubuntis makatapos ang regla kung ito ay regular nguni't hindi ibig sabihin ay hindi mabubuntis.

    ReplyDelete
  85. @Elaine: Ang pagkawala ng regla ay isa sa mga senyales ng pagbubuntis.

    ReplyDelete