Thursday, April 15, 2010

Ovarian cancer (Kanser sa Obaryo)


Tanong (T): Hello po Doctor tanong ko lang po may mother is 49 years old last April 30 2008. My Mom diagnose at Alabang Medical na may mga bukol sya sa ‘ovary’ at matres. The Doctor said na cancerus ito. The doctor said to my Mom na she need 7 test. Hindi kami nagpatest sa Alabang Med kasi masydo natakot ang mother ko sa sinabi na cancerus ito. We went another hospital near in QC and she had the test. The doctor told na madaming bukol ang ovary nya at matres kaylangan tangalin ang 2 ovary nya at matres.

Ngayon po ang ay inoperahan sya pinakita po sa sister ko yung nakuha na mga bukol sa matres nya at sinabi ng doctor na 1% ang possible na cancerus ito at kailangan na mai-‘biopsy’. Tanong ko po pwde nga po bang maging cancerus yun and what happen to my Mom if cancerus ang nakuhang bukol? At halimbawa nga po na cancerus ito magiging delikado po ba para sa mother ko? At ngayon wala na syang ovary at matres, delikado po ba para sa kanya. Marami po bang nakaka survive sa ganitong kaso? Thank you po. Sana masagot nyo po ang mga tanong ko. GOD BLESS YOU!!!


Doc Gino (DG): Ayon sa mga dalubhasa, ang bawa't babae na may obaryo pa ay mayroong <2% ‘lifetime risk’ na magkaroon ng ‘cancer’ (CA) ng obaryo. Ibig sabihin, kung tatanggalin ang epekto ng mga ‘risk factors’ (kasalukuyang edad, personal at family history ng CA, edad kung kailan natapos na ang pagreregla o menopause, medication history, kung nagkaanak man o hindi), mababa sa 20 sa loob ng 1,000 na babae ay maaaring magkaroon nito.

Ang tsansang magkaroon ovarian CA ay nataas kung:
1. May kamag-anak na mayroong CA sa ovary, breast, uterus (matres), colon at rectum. Samakatwid, mainam na suriin ang inyong pamilya kung mayroon ng mga ito. Hindi lamang para sa iyong ina, para na rin sa iyo at ibang kamag-anak din.
2. Kung nagkaroon din ng mga nabanggit na CA, tumataas din ang tsansa na magkaroon ng ovarian CA.
3. Karamihan ng mga babaeng nagkaroon ng ‘ovarian CA’ ay mahigit sa 55 taon gulang.
4. Ang hindi pagbubuntis ay isang ‘risk factor’ din ng pagkakaroon ng ganitong uri ng CA.
5. Mataas ang tsansa ng ‘ovarian CA’ sa mga babeng nainom ng mga gamot para sa menopause (‘estrogen without progesterone’).

Maaaring walang kinalaman ang mga bilang 3 hanggang 5 ay para sa kaso ng iyong ina nguni't mabuting masuri na rin. Kung may ‘risk factor’ man, hindi ibig sabihin nito ay siguradong makakaroon na ng CA. Kaya ang payo ng inyong doktor na ipa-‘histopath’ ang ‘specimen’ ay makatutulong upang malaman kung CA man o hindi. Kung palarin man at ‘benign’ (hindi CA) ang resulta, kailangan mag-‘hormonal treatment’ (‘estrogen with progesterone’) ang iyong ina upang maiwasan ang ‘side effects’ ng pagkawala ng estrogen dahil tinanggal ang kanyang mga obaryo. Ang mga ‘side effects’ ay katulad ng sintomas ng ‘menopause’ gaya ng ‘hot/cold flashes’, panunuyo ng pwerta, pagka-aburido, ‘osteoporosis’, etc.

Kung ang CA naman ang resulta, maaring mangailangan ng chemo- at radiotherapy depende sa uri at stage ng CA. Sa paggagamot ng CA, kailangan ang ibayong suporta mula sa pamilya, kaibigan at mga manggagamot (‘gynecologic/medical/radiologic oncologists’).

T: Ano po ang pwede kainin ng mother ko? Kakatapos lang po ng operation nya sa matres at ovary tinagal na po ito ano po kaya ang magandang pagkain parasa kanya para lumakas agad sya?


DG: Kahit ano naman ay maaaring niyang kainin sa palagay ko. Pero mas makabubuti kung mas maraming prutas at gulay upang matulungan ang katawan na dumumi. Dahil bagong opera siya, kailangang huwag umiri kung kaya't kailangan niya ang mga ito para dumulas ang pagdumi. Salamat.



Reposted from here

4 comments:

  1. Hi doc, ako po si maribeht pausta 25 y/o na po ako. meron po akng cest ovary sa left side.ang sukat po nia ay 8 mm endometrium. kailangan na po ba talaga xa operahan doc? sabi po kasi ng Dr. ko kailangan daw po ma operahan agad. tapos po my mayoma din po ako sa matress 12 mm nmn ang sukat nito. sana po marepplayan nyo ako para po alam ko. tnx doc. God bless!

    ReplyDelete
  2. @Maribeth: Sa tingin ko ay dapat na ulitin ang "ultrasound" makalipas ang tatlong "cycles" ng iyong regla upang malaman kung ito ay lumalaki o hindi. Ang sukat na iyong ibinigay ay maliit kung tutuusin. Nguni't hindi lamang sukat ang basehan para masabi na kailangang tanggaling ang bukol sa obaryo. Kung ito ay lumalaki at aabot ng 6 centimeters, maaari itong tanggalin. Kung pareho rin ang sukat o lumiit pa, obserbasyon ang nararapat gawin. Pansinin din kung may ibang sintomas na nararamdaman tulad ng pananakit o paglaki ng puson, atbp.

    ReplyDelete
  3. doc im anna 23 yrs old sept 2 last mens at october 2 d ako nag karon,,,but october 6 nagkaron ako pero first time ko na delayed d po kaya ako buntis>

    ReplyDelete
  4. @Anna: Kung malakas ang iyong hinala ng pagbubuntis, gumamit ng 'pregnancy test'. Kung 'negative' ang resulta at hindi pa muli datnan ng regla, ulitin ito makaraan ang dalawang linggo. Kung 'negative' pa rin ang resulta, magpasuri sa isang 'gynecologist' upang masolusyunan ang hindi pagdating nito.

    ReplyDelete