Tuesday, April 27, 2010

Pagkahilo (Dizzy spells)


Tanong (T): Dear Doc Gino, Gusto ko po sanang itanong kung anu-ano ang mga dahilan ng pagkahilo? For three days nakakaramdam po ako ng pagkahilo. Mawawala pero maya-maya babalik uli. Hindi naman po sumasakit ang ulo ko o anu pa man at wala ring ibang masakit sa akin. Hindi naman ako nasusuka. Basta nahihilo lang po. Nakakapagtrabaho naman po ako, kaya nga lang hindi maganda sa pakiramdam at hindi gaanong komportable. Nai-check ko naman po ang bp ko, okay naman. Sana po ay matulungan ninyo ako.Salamat po ng marami,


Doc Gino (DG): Marami ang mga dahilan kung bakit nahihilo ang isang tao depende na rin sa mga kondisyong pangagatawan, paligid, gulang, problema atbp. Hindi mo nabanggit kung ano ang iyong edad, kasarian, kung babae-huling regla, posibilidad nang pagdadalang-tao, kung gumagamit ng salamin sa mata, impeksiyon sa tainga, kung kulang sa tulog, uri ng trabaho, atbp. Kung hindi naman nakasasagabal ang pagkahilo sa iyong pang-araw-araw na buhay, ang pagpapahinga at sapat na pagtulog ay makakatutulong upang manumbalik ang kalusugan.

(T): 29 years old po ako at September 21-24 po ang last menstruation ko. Mayroon po akong salamin, 100 po ang grado ng dalawang mata ko, although hindi ko po masyadong naisusuot. Pero hindi naman po ako nakaramdam ng mga pagkahilo dati. Lately po, stressed dahil po sa trabaho at masyado po akong nag-iisip kaya rin po napupuyat. Nung naligo po kasi ako nung Sunday, nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko po alam kung dahil medyo mainit yung tubig o dahil sa halos katatapos ko lang pagpawisan sa exercise at paglilinis ng bahay nung naligo ako. Sana nga po ay panandalian lang itong pagkahilo ko. Salamat po ng marami.
 
DG: Mas mainam kung magpasukat ka muli ng iyong salamin sa mata. Marahil ay kailangan mong mag-adjust sa panibagong salamin.


Reposted from here

No comments:

Post a Comment