Doc Gino: Ang dosage ng Aspirin na ibinibigay sa isang
buntis ay mababa lamang kung kaya't sa aking palagay ay maliit ang porsiyento
na ito ay magiging sanhi ng bleeding. Nguni't isa sa mga side effects ng gamot na ito ay ang pagdurugo. Ito ay ibinibigay
kung high blood ang isang buntis
sapagka't ito ay mabisa para sa pagkontrol ng presyon ng dugo. Kung kaya't mababa
lamang ang dose na inirereseta.
Thursday, April 29, 2010
Buntis at may bukol sa matres (Myoma and Pregnancy)
Tanong: Dear Doc, i am 40 yrs. of age, nagbuntis n ako before pero n miscarriage po
at 6 weeks, 2 years ago. Ngayon po buntis ulit ako at 3 months n, high risk ang
pregnancy ko bec. of age, may myoma ako at chronic hypertension. Nagkkaroon ako
ng bleeding at sabi ng doctor its bec. of myoma. Nag ttrigger din po b ung
aspirin ng pag cause ng bleeding ko kc nga nag ttake ako nito para naman s
hypertension ko. Gusto ko n rin pong pumapasok s trabaho ko kc kulang n po ang
budget namin. Nag bed rest po ako for 45 days. And now gusto ko n po mag resume
s work, possible po b?
Depende sa laki, uri at
lokasyon ng bukol (myoma) sa matres
ang dalas at dami ng pagdurugo. Kung wala namang ibang sintomas sa kasalukuyan,
namo-monitor ng iyong doktor, mahusay
ang iyong follow-up at maganda
ang resulta ng ultrasound, sa palagay
ko ay walang dahilan para hindi ka makabalik sa trabaho.
No comments:
Post a Comment