Sunday, May 2, 2010

Kulugo sa Pwerta (Genital Warts)


Tanong (T): Dear Doc Gino, kumusta po. nbsa ko po kc s press re vaginal prob dpo kc npliwanag kc maiigi. ano po ang vaginal warts? pano po mla2man if meron k ni2?  ano po dpat gwin pra maiwasan mgkaroon n2? mganda po ang column nyo kc bwat impormasyon mlalaman mo. marami pong salama!
Doc Gino (DG): Ang vaginal warts ay ang tinatawag na kulugo sa pwerta ng mga kababaihan. Ang sanhi nito ay mga viruses na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang tao na mayroon nito. Tulad ng mga kulugo na matatagpuan sa ibang bahagi ng katawan, ito ay magaspang na mga butlig at maaaring maging napakarami at umabot sa kaloob-looban ng pwerta at maging sanhi ng pagbara nito. Depende sa dami at lokasyon ng mga kulugo, ang lunas dito ay maaaring mga gamot na pamahid, iniinom, pagsunog (cauterization) o di kaya ay operasyon, o ang kombinasyon ng mga ito. Ang pinakamabisa ay magpasuri sa isang gynecologist upang mapayuhan ng husto. Kasabay nito, ang sex partner ay kailangang magpasuri rin.

(T): marami pong salamat sa mga impormasyon. dmi po plang mga sakit n posibleng mgkaroon ka. kailngan tlga ng ibayong pg iingat. nabsa ko rin po pla s magazine re virgin coconut oil. dmi kc xperiences n nila2gay n kesyo mabisa raw, totoo po b o advrtsment lng po un.ingat po. salamat uli.

DG: Wala pa akong nababasa ukol sa epekto ng virgin coconut oil sa genital warts. Salamat.

4 comments:

  1. doc pwede po magtanong lalaki po ako may para po akong butlig sa bandang taas ng ari ko sa my puson ko po...tapos meron din pong maliliit...tapos meron din po ako banda sa alkalakn ko..anu po kaya iyon???

    ReplyDelete
  2. @Richard: Mahirap mag-diagnose ng iyong kondisyon sapagka't kailangan niyan ay masuri mabuti. Magpasuri sa isang Medical Internist o Urologist upang malaman ang bukol na iyong sinabi. Salamat.

    ReplyDelete
  3. doc, tanong ko lang po kung genital warts din po ba ung warts n nsa pagitan ng anus at vagina, my warts po ako pero d po mismo s vagina, sa pagitan lang po, ano po ba dapat n gamot? posible po bang umabot s vagina un? thanks.

    ReplyDelete
  4. @Loves: Mas mainam kung masuri muna ang iyong pwerta ng isang "gynecologist" upang malaman kung mayroon sa loob nito. Kung marami ang kulugo sa pinakaloob ng pwerta, mangangailangan ng operasyon upang ito ay tanggalin. Kung wala naman, maaaring mga ipinapahid na gamot lamang ang kailanganin, nguni't konsultasyon muna sa iyong doktor ang pinakamahalaga.

    ReplyDelete