The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Saturday, August 6, 2011

Tubig sa Baga (Pleural Effusion)

Available at: Jeepney Press

Tanong (T): Hello. I just want to ask your opinion. May tubig sa baga ang father ko. Ano ang ibig sabihin noon?

Doc Gino (DG): It's like this, kung meron siyang problema sa puso, sa tingin ko ay “pleural effusion” iyon. Ibig sabihin hindi mai-“pump” nang mabuti ng puso ang dugo kung kaya naiiwan sa “lungs” ang tubig. Kung tama ang hinala ko sa kondisyon niya, “medical management” ang dapat gawin at hindi surgery.

T: Delikado ba yun?

DG: Oo, delikado iyon dahil hindi makakahinga mabuti. At kapag hindi makahinga mabuti, ang “carbon dioxide” sa katawan ay hindi makakalabas at magkakaroon ng “electrolyte imbalance” sa katawan. Pwedeng maging “comatose” dahil sa magiging “acidotic siya.” Mas magiging mataas ang “acid” sa katawan na pwedeng pumunta sa utak.

T: Ano ang “medical management”?

DG: Ang “medical management” ay puro intravenous medications at fluids lamang ang ibinibigay. Nothing surgical. Kumbaga, sa suwero pinadadaan ang mga gamut. Pero kung masyadong marami ang tubig, pwedeng magkaroon ng kaunting “surgical management like for example “thoracentesis’”, isang procedure na tutusukin ang baga ng karayom para mailabas ang tubig agad-agad. “Emergency procedure” lang iyon para makahinga siya agad, tapos “aggressive medical treatment” na.

T: What is the possibility of recovery?

DG: We have to be realistic. There is always good hope for recovery. But also, there are many risk factors like his age, and other existing illnesses.

T: Thank you. I appreciate it very much.

DG: You're welcome.
allvoices