The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Friday, March 26, 2010

Allergy

Tanong: Kumosta po kayo? Ako 42 years old, may asawa wala anak. Mayroon po ako naramdaman sa katawan at sa lalamunan ay may butlig-butlig na pula. Nagpa-doctor po ako. Allergy lang daw. Inom ako ng inom ng gamot hindi gumaling pati ilong ang sakit. Ang baba ng dugo ko parang normal nasa akin ang 100. Pero mensa lang ako hihilo. Pate pala ang ilong ko kasama rin tainga at mata. Pwde bang sumakay ng iroplano kahit masakit ang ilong at tainga? Pwde po bang paksagot po nitong tanong ko at pakipayo niyo po sa akin kong dapat kong gawin. isang kaibigan po at more power sa inyo. Maraming salamat.


Payo ni Doktor: Maraming salamat sa iyo. Base sa iyong liham, kailangang masuri ka ng isang ENT (ear-nose-throat) specialist. Ang allergy ay hindi nakukuha sa isang gamutan lamang, bagkus kailangan ding iwasan ang sanhi nito. Sa tuwing sasakay ng eroplano, nagbabago ang pressure sa tainga sa pag-akyat at pagbaba ng sasakyan kung kaya't ipinapayo kong magpakonsulta ka sa isang dalubhasa upang malunasan bago magbyahe.


View original post here
allvoices

No comments:

Post a Comment