Tanong(T): Ang kaibigan ko ay may ‘Stage 3 breast
cancer’. Ano ang palagay mo sa kaso niya?
Doc Gino (DG): Late stage na iyon.
DG: Hindi nagbibigay ng taning ang inyong abang lingkod.
T: Ooops sorry. What I mean is...me pag asa pang tumagal?
DG: Mayroon kung sa meron. Ang mga cancer kasi kapag ‘advanced stage’ na poor prognosis o hindi maganda ang kinalalabasan.
T: Mastectomy ba is inevitable?
DG: Malamang ay mangailangan ng bilateral radical mastectomy with muscle resection and lymph node dissection plus radio- and chemotherapy. Iyan ang ginagawa sa mga good candidates para sa operasyon. Kasi kung hindi tatanggalin baka kumalat pa at maging stage 4. Kung aggressive ang MD niya, marahil ay ooperahan siya.
T: 4 years ago pinasalat nya sa kin yung bukol, Told her to have it checked. Hindi pala nagpatingin. Last December na-discover kasi parang nanghina na siya. Now, she's having chemo. Nakakagulat nga na balita.
DG: Ilang taon na ba siya?
T: Ka edad ko sya. We will be turning 54 this year. Thing is ayaw nya paalam kasi ayaw niya pag usapan... Ayaw nya pag-usapan kasi daw affected ang heart nya sa stress? Totoo ba yun?
DG: Siyempre nasa denial stage pa siya dahil bagong balita pa lang.
T: My thoughts exactly, in denial sya.
DG: Give her a bit of time para matanggap niya at makapag-isip ng mabuti. Kailangan niya ng moral support ngayon. Kung pipilitin siya, baka lalong umayaw magpagamot. Just lend her ears when she wants to talk or share anything. Baka dumating din siya sa puntong kailanganin niya ang payo o isang taong makikinig.
T: Siyempre naman. I sent her a card and wrote her a letter. But I let her know that am praying for her.
DG: That's nice. The letter is a good gesture.
T: Salamat.
DG: Walang anuman.
Reposted from here
DoK, this is your friend, John Joseph Ras, one of the bloggers that you have met last minii-"Christian Bloggers meet-up". May breast cancer din ang tita ko. Stage-3 din ang Cancer niya, last year pa na-diagnose. Na-operahan na siya last December, at nag-undergo na ng ilang session sa Chemo Therapy.
ReplyDeleteLast month, bigla siyang nag-decide na itigil ang pagpapa-Chemo. Na-search daw kasi niya sa Internet na di raw yun talaga effective, at mas makatutulong daw ang mga Herbal treatments and supplements. Ayaw niya talaga papilit, at talagang desidido siyang itigil ang pagpapa-Chemo.
Ano sa tingin mo Doc? Totoo ba yung nakalap niyang info?
Hi John. Sa tingin ko, kung ano ang desisyon ng pasyente para sa sarili ay dapat na igalang. Sa ngayon ay wala pang malawakang pruweba na mas epektibo ang herbal remedies para sa kanser kaysa sa operasyon, chemo- at radiotherapies. Salamat!
ReplyDeletehi po Dr. Gino, gusto ko lng po sna mgtanong. ako po kc ung tipo ng taong takot mgpatingin s doktor, 2 yrs ago po kc my nkapa akong bukol sa paligid nun kulay itim sa suso hndi po ako ngpatingin, malaki po ba un chance na mging kanser ito?
ReplyDelete@Mayumi: Napakahirap mag-diagnose kung kanser o hindi ang iyong bukol base sa iyong salaysay lamang. Upang makasiguro, magpakonsulta sa isang siruhano, tanggalin ang takot at makinig sa ipapayo ng iyong doktor. May mga eksaminasyon na maaaring gawin upang matiyak kung iyan ay may posibilidad na maging kanser o wala.
ReplyDelete