The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Sunday, April 25, 2010

Chinese Restaurant Syndrome?


Ang glutamic acid o monosodium glutamate (MSG) ay isang sangkap na nakapagpapasarap ng mga pagkain. Ito ay natural na kahalo sa mga binuburong sawsawan tulad ng toyo o keso. Ito rin ay kilalang sangkap ng vetsin. Kung sensitibo ang isang tao o kapag naparami ang pagkain nito, maaaring makaramdam ng pagkahilo o pagsusuka dahil sa epekto ng MSG sa utak. Basahin ang sumusunod na halimbawa ng tinatawag na Monosodium Glutamate Symptom Complex o Chinese Restaurant Syndrome.


Tanong (T): Last week, I had tonsillitis. So I went to a doctor and got my meds. Four days lang yung bigay na antibiotics. I was still feeling weak. Usually, laging 10 days akong bedridden kapag meron akong tonsillitis chills, fever, and muscle pain.

Doc Gino (DG): Usually antibiotics are given for 7-10 days.

T: Yesterday after class, I went home feeling more nauseated and weak. I thought gutom lang. So I went to the eat all you can Thai restau para mabilis kumain. I got a terrible migraine and then nahilo ako. Then, chills. Nagsuka ako ng nagsuka. Pagbalik ko sa bahay, to the point that I was able to empty my stomach. Grabe.

DG: Ano kaya ang ingredients ng mga kinain mo? Baka nag-trigger iyon ng migraine? O kaya, baka may ibang predisposing factors na nag-trigger noon?

T: Nagsusuka ako ng laway na lang at the end yung muscle ko, contract ng contract para masuka lahat. After several hours, OK na. Tinulog ko na lang.

DG: Oo ganoon talaga, parang protective mechanism din ang pagsusuka para mailabas ang mga toxins na kinain.

T: I didn’t go to school today. Should I go to hospital for dextrose?

DG: Kung hindi ka naman dehydrated at kung nakakainom at nakakakain ka naman, sa tingin ko ay pwede ka namang mag-home meds na lang.

T: Kasi I had this before when I had stomach flu also.

DG: Okay lang siguro na home recovery ka. That is, kung gusto mo rin magpaospital?

T: Just looking at the monitor screen makes me nauseated a bit and my energy level is totally zero. Takot akong kumain at baka masuka pa. Kaya I don't want to take meds again at baka naman masuka din.

DG: Small frequent feedings ka na lang muna. O di kaya ay magsipsip ka ng  Pokari na lang muna para hindi ka matuyuan ng tubig sa katawan. Ganon na lang muna.

T: No more trips to the doctor?

DG: I think u will do just fine now.

T: O sya. Will try to get a Pokari downstairs. If i can get the energy to go down.

DG: O sige. Magpalakas ka diyan. Kung anu’t anuman, andito lang ako sa virtual reality.

T: Thank you for the advice.


Reposted from here
allvoices

2 comments:

  1. i have to track down my intake siguro kasi madalas akong nagkakaheadache..pero pano naman yung headaches na nagsisimula sa umaga at whole day ka ng ginagambala nun..minsan nagkakaganyan ako eh...

    ReplyDelete
  2. Hi Sendo. When was the last time you had your eyeglasses checked? What about your BP? I suggest that you have them checked. Thanks!

    ReplyDelete