Doc Gino: Mas
makabubuti kung bigyan mo ako ng kaunting detalye. Maaari mo bang ibigay ang
mga sumusunod para masabi ko ng mabuti ang sagot sa iyong tanong?
Petsa ng huling
regla: mula anong petsa hanggang kailan? Petsa ng sinundang regla? Sa tuwing
magkakaregla ka ba ay may nararamdaman kang pagsakit ng puson at balakang tulad
ng nararamdaman mo ngayon? Binabalisawsaw ka ba ngayon? May sakit ka bang
nararamdaman sa tuwing naihi?
Mas mainam kung
hindi ka iinom ng kahit anong gamot hangga't hindi ka nakasisiguro kung ikaw ay
buntis o hindi sapagka't kung sakaling uminom ka at ikaw pala ay buntis,
maaaring makaapekto ang gamot sa iyong pagbubuntis. At kung sakaling may ininom
ka nang gamot na pamparegla, lalong kakapit ang sanggol kung sakaling nagbuntis
ka nga. Mas mabuting hintayin mo na lang ang susunod na regla.
T: Ang huling regla ko po ay nung April
1-4 tos my ngyare po sa amin nung 5. Tuwing magkakaron po aq ay sumasakit po
ang puson ko, Tos now lng po aq nakakarmdam ng pagsakit ng balakang, Pag umiihi
po aq ay minsan masakit.. Pero ang iniinom ko po n gamot ay herbal naman. May
posibilidad pa din po ba na kumapit ang bata? Dapat po ay sa May 5 pa ulit ang
dating ng regla ko. Natatakot lng po aq dahil medyo lumaki ang puson at tyan
ko...Panu po kaya un?
DG: Kung katatapos lang ng iyong regla noong kayo ay magtalik, malamang ay hindi ka buntis. Makabubuting ipasuri mo ang iyong ihi upang malaman kung mayroon impkesiyon dito. Baka iyan ang dahilan ng pagsakit ng balakang at pag-ihi. Bukod dito, maaring magpa-‘pregnancy test’ kung sakaling hindi ka pa rin dinadatnan makalipas ang 5-8 linggo mula sa huling petsa ng regla. Walang kinalaman ang mga herbal na gamot sa pagbubuntis.
Reposted from here
Hello Po Doc
ReplyDeleteTanonng ko lang po:
Ganito po kasi to doc April 11,2010 and May 20,2010 yan ung menstration ko. ipinagtaka ko lang doc bakit june di ako dinatnan. hangang ngayon. i try pregnancy test doc june 4,2010 negative. i try again july 11,2010 negative pa rin. tanong ko doc bakit ganun doc di pa ako niregla negative nman.. hope doc masagot ninyu ang katanungan ko.. thans doc
@Cutie: Kung ang edad mo ay hindi hihigit sa 45, sa tingin ko ay mayroon kang tinatawag na Dysfunctional Uterine Bleeding (DUB) na kung saan mayroon mali sa balanse ng female hormones na estrogen at progesterone. Magpakonsulta sa isang Gynecologist upang masuri nang mabuti at maresetahan ng nararapat ng gamot. Sundin mabuti ang tamang pag-inom ng ireresetang gamot upang manumbalik ang daloy ng regla. Mas lalong magkakaproblema sa daloy kung hindi ito susundin.
ReplyDeleteHello Doc Gino,
ReplyDeleteIm 20 years old po.. as i said last may 20,2010 last menstruation ko. until 23 of may. tapos jun at july until now august 2010. di pa ako dinadatna doc. tas i try pregnancy test jun 24,2010. july 11,2010 and july 27,2010. thats all same result doc negative. nag pa consulta po ako sa isang doctor dito sa amin doc. nung july 27,2010 pina pregnancy test nya ako sa laboratory nila tas negative result doc. kinausap lang ako nung doctor tinanung lang nya kung kaila last mens ko yon lang doc. tapos ang sabi lang nya i take pills. bakit pills yong sinabi nya doc? wla man lang gamot para magkaron ako nang mens? di po ba ako buntis doc? pls doc gino sagutin nyo tanong ko litong-lito kasi ako sa doctor na kinunsulta ko.... tnx ang god bless u doc
@Cutie: Gaya nang nasabi ko rati, mukhang DUB nga ang iyong kaso. Ang pills na ibinigay sa iyo ay ang gamot na iyong kailangan upang manumbalik ang regla. Ang pills na ginagamit para maiwasan ang pagbubuntis ay pwede ring gamitin upang iwasto ang daloy ng regla.
ReplyDeleteHello Doc Gino,
ReplyDeleteganito po kc dec.18 menstruation ko. tapos i take pills january 3 nag start ako. then doc, nag sex kmi on january 9 na wlang ginamit na condom. ksi i read on instruction na kailangan on 7th day gumamit nang contraceptive.. doc di po ba iyon makakabuntis pls answer it..
@Shayne: May tsansa nang pagbubuntis dahil hindi ayon sa instuctions ang inyong ginawa.
ReplyDelete