Doc G: Maraming salamat sa iyong email. Tunay na kailangan mo na magpatingin sa isang dalubhasa. Sa ganyang kasi, isang specialist na ear-nose-throat (ENT) ang iyong dapat puntahan upang malaman ang diagnosis at mga kagamutan.
Una sa lahat, dapat ay malaman muna ang diagnosis at ang solusyon sa ganyang kondisyon. Kung alam mo na ang mga ito, malalaman mo na rin kung magkano ang dapat ihandang salapi.
Depende sa iyong lokasyon kung saan ka maaaring humanap ng makakatulong sa gagastusin. Kung ikaw ay nasa ating bansa at sa Maynila, maaari kang magpakonsulta ng libre o murang bayad sa Philippine General Hospital o Ospital ng Maynila. Maaaring lapitan ang Philippine Charity Sweepstakes Office at ipakita ang rekomendasyon ng iyong manggagamot. Makatutulong ang PCSO sa anumang pananalapi.
Kung ikaw ay nasa Japan, malaki ang iyong makukuhang benepisyo mula sa iyong National Health Insurance.
iwasang isipin ang pinakamurang gamot dahil maaaring hindi maging mabisa sa iyo kung mumurahing solusyon ang iyong hahanapin. Ang pandinig ay napakahalaga sa buhay ng tao kaya't kung ibig mong gumaling, pilitin na hanapan ng kasagutan.
Tanong: maraming salamat po, susubuan ko pong gawin ang ipinayo nyo doc. salamat po ulit nawa'y pagpalain po kayo.
No comments:
Post a Comment