Doc G: Maraming salamat sa iyong email. Ayon sa iyong mga binanggit na sintomas, maaaring mayroong impeksyon ang iyong ihi o tinatawag na urinary tract infection o UTI. Karaniwang nangyayari ito sa mga babaeng nasa menopausal age dahil sa numinipis na ang dinadaluyan ng ihi kung kaya't mas madali silang magkaroon ng impeksyon dito.
Ang aking maipapayo ay magpasuri ng ihi at ipakita ang resulta sa iyong manggagamot upang mapayuhan ng tamang gamot. Mahalaga rin na gawin ang Pap smear upang makita ang iyong hormonal index at mapayuhan ng tamang pills at nang manumbalik ang kapal ng dinadaluyan ng ihi.
Uminom ng mahigit 10 baso ng tubig araw araw upang mailabas ang bato sa ihi kung mayroon man. Sa init ng panahon, nararapat din na huwag matuyuan ang katawan.
Tanong: thank you so much sa payo nyo.sa ngayon po ay bigla akong nagkaroon ng mens pagkatapos ng mahigit na 3 month na di datnan cguro nga po ay sa menopousal period ko na ito. susundin ko po ang payo nyo pagkatapos kung datnan, maraming salamat po talaga.
No comments:
Post a Comment