The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Monday, March 29, 2010

Dysmenorrhea (Masakit na pagreregla)

Tanong: Dok, kamusta po kau..ako 34yrs old may anak na po. Dok, itanung ku lng bkt tuwing rigla ko bkt masakit ang puson ko parang malalaglag nasa subrang sakt. Kya pag hnd ko na tlga kaya uminom nlng po ako ng gamot, at saka may malalaking mga dugo lumalabas po sya. Dok, bkt kaya ganun? Dok, anu po dapat kung gawin po? Dok, more power sa inyo. Maraming salamat po.

Sabi ni Nanay: Iha, ako muna ang sasagot sa iyo bago si Doktor, okay lang ba? Para que pa at kasama ako sa kolum na ito? Naririto ang mga pwede mong gawin sa bahay upang mabawasan ang pananakit ng iyong puson tuwing may buwanang dalaw.






1. Uminom ng mainit na tsaa o gatas. Maligo ng mainit na tubig. Maglagay ng mainit na tuwalya sa iyong puson. Ang paglalagay ng mainit na tuwalya sa puson 12 oras sa loob ng 2 araw ay makakapagbigay ginhawa.

2. Mag-ehersisyo o maglakad ng mabilis (brisk walking) araw-araw. Bihira sa mga babaeng atleta ang may dysmenorrhea.

3. Imasahe ng marahan ang puson.

4. Kumain ng isda at gulay. Iwasan ang pagkain ng asin o maaalat. Ang omega-3 fatty acids ng mga isda ay makakabawas ng pananakit ng puson. Ang pagkain ng mga gulay na mayaman sa fiber ay makatutulong upang umikli ang araw ng pagreregla. Mababawasan ang pagmamanas sa pagkain ng gulay at pag-iwas sa asin.

5. Yoga at meditation. Nakaka-relax ng kasukasuan ang yoga.

6. Ang pakikipagtalik sa asawa ay makakabawas ng pananakit.

7. Magpasuri sa iyong doktor.

Payo ni Doktor: Maraming salamat sa iyong liham. Ang pananakit ng puson sa tuwing may regla ay tinatawag sa medisina na dysmenorrhea. Ito ay nangyayari sa 40-70% ng mga babaeng may regla. 10% ng mga ito ay maaaring makaramdam ng sobrang pananakit na maaaring makaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ayon sa iyo, bukod sa pananakit mayroon ding kasamang pagdurugo. Kinakailangang masuri ka ng isang gynecologist (sanfujinka sa wikang Hapon) upang malaman kung ang iyong karamdaman ay endometriosis o myoma.

Ang endometriosis ay isang kondisyon na kung saan nagkakaroon ng pagreregla sa labas ng matres (o bahay bata). Ito ay maaaring magdulot ng ibayong pananakit sa puson, likod, hita at kung saan-saan pang bahagi ng katawan. Maari rin itong magdulot ng lubhang pagdurugo (blood clots).

Ang myoma naman ay mga bukol na maaaring tumubo sa matres. Ang mga bukol na ito ay karaniwang hindi naman nagiging cancer subalit pwedeng lumaki ng sobra at magdulot ng pananakit at paglakas ng regla. 20% ng mga babae ay maaaring magkaroon nito.

Bukod sa pelvic examination, pregnancy test (upang masiguradong hindi ka buntis), kailangang masuri ang iyong dugo at ultrasound ng iyong matres at obaryo (pelvic ultrasound). Malalaman sa mga eksaminasyon na nabanggit kung ano ang magiging lunas na nararapat sa iyo.

Pansamantala, maaari kang uminom ng mga non-steroidal inflammatory agents (NSAIDS) tulad ng mefenamic acid o di kaya ay ibuprofen (full prescription withheld). Siguraduhing wala kang allergy sa mga gamot na nabanggit. Balitaan mo na lamang ako kung ano ang resulta ng mga pagsusulit.

Tanong: Dok, maraming salamat po. Magpapatngin nlng po ako d2. Peru mga gamot na cnasabi mo hnd kopo mabibili kasi wla po ako sa pinas ngaun, peru mayron pong pang rigla na iniinom ako. Ok naman po sya sa tingin ko. Maraming salamat po at God bless alwys

Payo ni Doktor: Walang anuman. Ingat lagi.

Reposted from here
allvoices

5 comments:

  1. dr. tanong ko lng bkt ako nergla ng wla pa sa tamang araw ng regla ko dpt bago mg katapusan ng buwan 16 plang my mens na at konti konti lng hndi normal ano kya yun?

    ReplyDelete
  2. tanong dr bkt nagregla agad ako kc dpt bago mg katapusan pa buwan ako mg regla now 16 ng month pa lng dumating tps konti lng konti lng d normal dati malakas ano kaya why? slmt

    ReplyDelete
  3. @Joline: Kung ngayon lamang ito nangyari, obserbahan ang susunod na pagdaloy ng regla. Maaaring manumbalik sa dating daloy ito. Kung parati itong nangyayari, magpasuri sa isang "gynecologist" upang malaman ang dahilan nito.

    ReplyDelete
  4. dok i just wanna ask some more about my menstruation. im 22 yers old single ..since when the time na mag mens ako when i was 12 years old always sumasakit ang puson ko during my period until now .kung nong una hindi sya subrang sakit pero habang nag kaka age ako lalo rin syang sumasakit na para bang mahuhulog na ang matris ko. pinagpapawisan ako ng malamig at nanginginig ang buo kong katawan pag 1rst day ko. naabala ang trabaho ko so there4 umiinom po ako ng midol everytime na sumasakit ang puson ko, pero may naka pagsabi na may side effect daw ang drugs at the end.ndn after may period nilalabasan ako na kulay dilaw na likido na hindi maganda ang amoy na parang nana ang amoy nito,, nababahala ako dok, na baka may sakit na ako sa vagina .di pa ako nagpapa consult. at totoo po ba na ang pag aasawa at pagkakaroon ng anak ay mawawala ang tinatawag na Dysmenorrhea . i will appreciated that u repply my question..

    ReplyDelete
  5. @Grace: Ang una mong problema ay ang "dysmenorrhea" kung kaya't sumasakit ang iyong puson sa tuwing magkakaroon ng buwanang dalaw. Ito ay masosolusyonan sa pamamagitan ng mga gamot na pwedeng inumin. Kung susunod sa reseta ng iyong "gynecologist," ang mga "side effects" ay maiiwasan. Ang panganganak ay maaaring magpagaling ng "dysmenorrhea."

    Sa ikalawang problema na may nalabas na nana sa iyong pwerta, ito ay isang impeksyon sa pwerta na marami ang dahilan. Kailangan ang pagpapasuri sa iyong "gynecologist" upang malaman kung ano ito. Kung mayroon "active sexual partner" pati ang kapareha ay kailangan na magpasuri rin.

    ReplyDelete