The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Tuesday, March 30, 2010

Ovarian newgrowth (Bukol sa Obaryo)

Tanong (T): Helo Dok Gino. Nkita q poh forum o blog nyu tru searching ovary cyst sa Google. Sa totoo lng poh nddepress poh aq my dermoid cyst sa right ovary. Gusto poh ng Dok operahan aq. Pero di naman poh madalian kaya lng maz maaga daw poh maz mganda. Pero ayoko poh mg pa opera takot poh kc aq. may pg aza poh b mawala un cyst q.

Payo ni Doktor (PD): Maraming salamat sa iyong liham. Ang dermoid cyst ay dapat na operahan sapagka't maaaring magkaroon ng komplikasyon tulad ng paglaki, pagkapilipit o di kaya ay pagputok nito. Kung magkaganoon, magiging emergency ang sitwasyon at maaaring manganib ang buhay. Sa isang banda, mas mainam kung maoperahan agad upang maiwasan ang mga nabanggit na komplikasyon at malaman ng maaga kung magiging kanser ito. Sa kasalukuyan ay walang naiinom na gamot upang mawala ang dermoid cyst.

T: Mazaya umaga poh Doc Gino. Mazaya po aq at sinagot nyo ang liham q. Sa totoo lng poh. Ayaw poh ng isip at katawan q mg paopera. Pkiramdam q kc di dun natatapos ang lahat. 2 taon po ang nkalipaz.ang una UTV exam q poh ovarian mass. Next day poh nun ng pa UTV po ule aq Benign keratoma 5.6 X 5.2 X 4.4 cm poh diagnos ng doctor. Ang sbi dapt poh tanggalin. Pero di q po iniisip seryoso un. Ngayon buwan poh ng marso 5.2008 search q po sa internet kung anu po un cyst q. Pkiramadam q matapos q malaman ang detalye mdyo seryoso poh yata ang csyt q. Ngpa uTV PO ULe aq dermoid cyst 5.7 X 5.1 X 4.9 cm. Nanghihina at natatakot po ako. Sana  magkaron nang himala. Salamat poh ng marami sa inyo pgsagot...pagpalain poh kau ng Dios. Salamat poh talaga.

PD: Ang dermoid cyst o ‘’teratoma’’ ay karaniwang hindi naman nagiging kanser. Umaabot sa 1-3% ng mga ganitong uri ng bukol ay maaring maging kanser. Ito ang uri ng bukol na kung saan may nakikitang ngipin, balat, buhok, buto, at nana. Makikita ang mga ito sa pamamagitan ng x-ray o CT scan. Ipagdasal natin na maging maayos ang iyong operasyon. Balitaan mo na lamang ako.

T: Helo mganda umaga poh Doc Gino. Ingat poh kau lage. Zobrang zaya q kc sinagot nyu email q. Ako po ay 31f taga Sta.Maria Bulacan Pilipinas. My 4 na poh aq anak. Tc. Poh.


Dermoid cyst: Ito ang itsura ng malaking dermoid cyst kapag binuksan. May laman itong buhok, ngipin, balat, buto, at nana.

Reposted from here
allvoices

11 comments:

  1. saan po ba nakukuha ang ganyang klase ng cyst? nakakahawa po ba ito at namamana? may mga bawal po ba ditong pagkain? ano po ang pwedeng mangyari kung maoopera na po ito? maka2apekto po ba ito sa pagbu2ntis ng isang babaeng merong ganitong klase nang cyst?

    ReplyDelete
  2. @Enen: Ang ganitong uri ng bukol sa obaryo ay kusang nangyayari. Walang kinalaman dito ang family history, trabaho, atbp. Walang bawal kainin at inumin sa kasong ito. Sa tingin ko ang dapat itanong ay kung ano ang mangyayari kung hindi maoperahan ang bukol na ito. Maaari itong pumutok at manganib ang buhay ng mayroon nito. Mas makabubuting tanggalin ito upang maiwasan ang mga komplikasyon, maging buntis man o hindi. Kumbaga, mas kailangan itong tanggalin sapagka't mas makasasama sa katawan kung ito ay manatili roon.

    ReplyDelete
  3. Doc Gino, first time mabuntis ng wife ko ngayon. Magto 2 months napo. Nakita sa ultrasound nya na may bukol. Ito po ang nasa ultrasound result:
    Late to uterus more to right is a thick walled cystic structure with diffuse echogenicity measuring 4.8 x 4.8 x 4.7 cm representing a right ovarian new growth probably a dermoid cyst.

    Worried po kami kasi malaki na ang cyst, mas malaki pa sa baby. Ano po ba ang pinaka mabisang gawin namin? I badly need advise po about this...

    Maraming salamat...

    ReplyDelete
  4. Doc Gino, it's the first time of my wife to get pregnant. The baby just turned 2 months. However, when we had an ultrasound, a cyst was found. Here are the results of the ultrasound:

    Late to uterus more to right is a thick walled cystic structure with diffuse echogenicity measuring 4.8 x 4.8 x 4.7 cm representing a right ovarian new growth probably a dermoid cyst.

    Doc, we badly need your help with this. We hope that the cyst will not affect the baby considering that it is bigger than the baby as of this time. What should be the best thing we can do? It is our first time to experience being soon-to-be parents and we really need to think and decide well on this problem.

    Maraming salamat po...

    ReplyDelete
  5. @Alton: The complex mass that was seen on the ultrasound should be closely observed. The size is not a cause of worry because it is not big enough to cause problems. That is why close observation with the help of your obstetrician is a must. Removing the cyst at this time could lead to fetal loss.

    ReplyDelete
  6. Doc Gino, ako po si janz, isang 1st year nursing student, im planning to make a case study proposal about dermoid cyst kasi meron akong auntie na meron nito... itatanong ko lng po sana kung bakit nagkaroon ng buhok, ngipin, balat, buto, at nana ang ovary ng mga taong may dermoid cyst??? paano po sila napunta sa ovary... itatanong ko lng din po sana kung ano ang kaibahan ng dermoid cyst sa ovarian new growth??? hihintayin ko po ang sagot niyo...

    ReplyDelete
  7. @Janz: Maganda ang "topic" ng iyong "proposal" at makakapag-"research" ka. Maaring subukan na gamitin ang "medical library" o "Internet" para sa iyong pagsasaliksik. Napakaraming mapagkukunan ng sagot sa iyong tanong. Isa sa mga ito ay ang WebMD homepage. URL: http://www.webmd.com/search/search_results/default.aspx?query=dermoid%20cyst&sourceType=undefined

    ReplyDelete
  8. good day doc angel po pangalan q tga nueva ecija po aq.mron lng po aq ilng ktanungan.doc mtgal n po kc kmi nagsasama ng bf q..almost 5 yrs n po.gusto n po kc nmin magka baby kya lng po hnggang ngaun d p po kmi makabuo..gusto n rin po kc ng mga mgulang nmin magkaapo,,cguro po sbik n cla magkaapo smin ng asawa q...normal nman po mens q..kya lng po 2 beses po aq nagkakaron ng mens s isang buwan..anu po kya dhilan non..tyaka po mdalas po sumakit ung puson q,,maraming slamat po antyin q po sgot nio.
    God bless you all

    ReplyDelete
  9. @Angie: Sa tingin ko ay kailangan mo na magpasuri sa isang gynecologist upang masuri ang iyong matres, obaryo at kwelyo ng matres. Magpasuri na rin ang iyong boyfriend sa isang urologist upang malaman kung alin sa inyong dalawa ang may problema.

    ReplyDelete
  10. maari po ba m buntis ang isang babae na may ovarian cyst? matatanggal pa po ba eto?

    ReplyDelete
  11. @Jeroun: Maaari naman mabuntis. Depende sa uri ng bukol kung ito ay matatanggal o hindi.

    ReplyDelete