Tanong (T): May Q po ako. Kapa2ngnak
ko lng 3mos ago, ng breastfeed po ako 4 2mos den stop ko n, npansin ko n lng po
n may bukol prang namuong laman. Ano po kya 2? Pls help. Worid po ako. Tnx.
Doc Gino (DG): Ang bukol sa dibdib ay nararapat na masuring mabuti kapag ito ay napansin. Karaniwang ang sanhi ng bukol kapag nagpapasuso ay dahil sa mga namuong gatas at ito ay bihirang maging sanhi ng kanser.
Kahit ganito,
nararapat pa ring masuring mabuti sa lalong madaling panahon kung kaya't dapat
na magpakonsulta sa isang manggagamot. Maaaring gawin ang isa o higit pa
sa mga sumusunod: ‘ultrasound’, ‘mammography’ (x-ray ng suso), o ‘fine needle
aspiration biopsy’. Ang mga ito ay makatutulong upang malaman kung ang bukol ay
kanser o hindi. Nawa ay nasagot ko ang iyong tanong.
T: Ano po ang dpat kung gwin hbang d
p po ako mgpa2konsulta. Kasi s Pilipinas n lng po ako mgpkonsulta pra mas
maintndhan ko po at tkot din po ako n di ko ksma family ko. Ang
kanser po b gano kbilis lumala kung meron k nito?
DG :
Gaya ng
nabanggit, malamang ay hindi kanser ang iyong bukol subali't mas makabubuting
masuri agad. Depende sa uri ng kanser, iba-iba ang bilis ng pagkalat o paglaki
nito kung kaya't hindi ko maibibigay sa iyo ang impormasyon. Kung makababalik
ka sa Pilipinas sa buwang ito upang makapagpasuri, mas mainam upang malaman
agad ang resulta.
T: Para
po s namuong gatas ano ang nararapat gawin?
DG:
Pwede kang magpasuso ulit sa iyong baby o di kaya ay gumamit ng ‘breast pump’.
Ang pagpapasuso marahil ang mas mabisa sa dalawa. Dahil sa sustansiya ng gatas,
mas mabuti iyan para sa sanggol at baka mawala pa ang bukol sa iyong dibdib.
T: Nagpa tsek-up na po ako. Dalawang
klaseng test po sa ‘breast’ ko. Ang bukol ay ‘benign liquid form’, tinangal na
po. Kulay gatas po sya. Examine raw po para masigurado pero sabi ng Doktor
malamang wala problema. Balik na lang daw po ako for the result.
DG: Salamat sa iyong follow-up. Mabuti naman at mukhang maayos na. Balitaan mo na lamang ako kung ano ang magiging resulta ng histopath.
Reposted from here
tanong ko lang po, my pcos po kc aq, dti po akng nggagamot ng provera 2mons q lng nainuman, dapat 4mons un, after 2mons stop n po q, ask ko lng po, ngaun 2 or 3mons nq d nireregla tpos prang my bukol aq sa suso, anu po ibig svhn nun? plss reply asap tnx poo..
ReplyDelete@Mikhieelha: Hindi ko masasabi kung ano ang bukol na iyong nararamdaman. Mas mabuti kung ikaw ay babalik sa iyong doktor upang ipasuri ito sapagka't may posibilidad na ang bukol na ito ay lumaki at maging problema pa. Sundin ang mga ipinapayo ng iyong doktor upang mas mapabilis ang paggaling ng iyong mga karamdaman.
ReplyDeletegud eve dr gino.. im jc from rizal.. consult ko lng po.. dati po regular monthly period ko. year 2008 nag start ng pumalya ang mens ko until now 2010 last perod ko month ng march o april hnd ko n mtandaan ang date, then after 2mths nagkaron ko spotting lng.. pgktpos non until now august 2010 hnd p ako ngkkron.. ngp check up ako s ob niresetahan nya ako ng evening primrose sb nya after 2days balik ako sknya at transviginal ultrasound nya ako hnd nko bumalik. pero iniinom ko ung gamot.. dr gino mataba din ako sbi ng mga friends ko diet lng daw ako bka mag normal ang mens ko.. ano po b dpat mgandang gawin.. pls help me.. thank you..
ReplyDelete@JC: Kung ikaw ay hindi nagdadalang tao, maaring nagkaroon ng hormonal imbalance ang iyong katawan kung bakit naging irregular ang iyong regla. Malalaman sa ultrasound kung may problema rin sa mga obaryo na maaaring maging dahilan ng pagiging irregular ng regla. Maaari kang resetahan ng iyong OBGYN ng "oral contraceptive pills" upang maging regular ang daloy ng iyong regla.
ReplyDeletehi doc tnong ko lng po, my nkapa po kc akong bukol sa dibdib ko matigas po 2 yrs ago na po, d po ako ngpapacheck up, wla nman po akong nararamdaman kakaiba, posible po bng mging cause ng breast un bukol na un?
ReplyDelete@Mayumi: Tama ka. Ang mga bukol sa dibdib ay may posibilidad na maging kanser kung kaya't nararapat na ipasuri ito sa isang siruhano.
ReplyDeletegood day po.m 29 years old,2 days ago may nakapa po ako na parang nabuo na laman sa let breast ko breast feed po ung bunsong anak ko 4 year old na po sya pero paminsan minsan pag gustong matulog nadede pa din sa kin pero madalas nya po madedehan ung kanan lang wala po buko may gatas pa din po yung kaliwa (kung saan meron akong nakapa) bihira na mdedehan wala na po gatas.possible po ba na nmuo lang po yun na gatas?tnx po
ReplyDeletehi doc m 29 years old with two kids etong bunso po ay years old na pero nagdede pa din po everytime gustong matulong but 2 days ago may nakapa ako na parang laman na buo upper part ng kaliwang suso ko pero wala n po nalabas na gatas bihira nya po mdedehan sa kanan po sya madalas mgadede magatas pa po doc.possble nmay cyst ako sa left breast?
ReplyDeleteHello doc!!! a year ago po may napansin po ako na kasing laki ng munggo sa may gilid ng nipple ko, hindi ko po sya pinansin dahil akala ko po ay sanhi lang yun ng pagbe-breast feed ko, pero ngayon po, napansin ko na medyo lumaki na @ minsan po ay nasakit. Cancer poh ba kaya yung bukol na nakapa ko? thank you po!!!
ReplyDelete@Debbie: Posibleng ang bukol na iyong nakapa ay isang "galactocele". Gumamit ng "breast pump" upang lumabas ang namuong gatas. Kung manatiling nakakapa pa rin ang bukol, sumangguni sa isang siruhanno upang ito ay masuri nang mabuti.
ReplyDelete@Bratty_jam08: Mas mabuting ipasuri sa isang siruhano ang iyong bukol upang ma-"biopsy" ang naturing na bukol. Sa "biopsy" malalaman kung iyan ay kanser o hindi.
ReplyDeletehello doc ask ko lng po sna kc meron po ako maliit na bukol sa left breast ko sa may baba ng nipple ko po nagcmula ko po to nakapa nung buntis po ako 2008 po un at til now andito pa din xa d nmn xa lumalaki pro naiibo po xa ng place pag pinepress ko po..gusto ko po mlmn kng kanser po ba ito..im 28 yrs.old na po..sna po matulungan nyo ako..tanx..madz
ReplyDelete@Madz: Base sa iyong sinabi, mukhang hindi naman ito kanser. Subali't mas makasisigurado ka nang sagot kung ang bukol mo ay masusuri ng isang siruhano o "surgeon". Maaaring mali ang aking sinabi sapagka't hindi ko naman nasuri ang iyong bukol. Kakailangin din ang "mammography" upang malaman kung ang bukol ay kanser o hindi.
ReplyDeleteDoc,.my anak po aq na 1 year old...pero ngaun ko lang napansin ung bukol na matigas sa kaliwang dibdib ko,..para po xang buto na matigas,..at sa paligid nun my nakakapa po aq na chikinini at madalas po sumasakit ang kaliwang dibdib ko,.kumikirot po xa,..delikado po ba un?
ReplyDeleteJennifertayag21
@Tayag: Mas makasisigurado kung ang bukol ay masuri ng iyong soktor. Kapag nasuri at nalaman kung anong klaseng bukol iyan, doon lamang malalaman ang sagot sa iyong tanong.
ReplyDelete