The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Tuesday, April 20, 2010

Para kay baby


Tanong (T): Tanong ko lang po, 3mos na baby ko,  mga ilang buwan po ang baby ang pinakamainam para sa BCG?


Doc Gino (DG): Sa bansang hapon, ang BCG ay binibigay sa sanggol makatapos na ipanganak ito at inuulit kapag siya ay 6-12 na taong gulang. Kung 3 buwan na ang iyong baby, maaari mo pa ring pabakunahan siya nito kung hindi pa ito naibigay. Mainam na bumisita ka sa ospital na malapit sa inyo upang mapayuhan ng patakaran sa bansang ito.

Sa pilipinas naman, “routine” na binabakunahan para sa BCG ang mga sanggol bago iuwi mula sa ospital kung saan ipinanganak. Heto ang iba pang mga bakuna na dapat niyang matanggap base sa “schedule” sa ating bansa.

Diptheria-Pertussis-Tetanus (DPT): Ibinibigay kapag ang sanggol ay 6 na linggong gulang na. 3 beses ibinibigay. 4 na linggo ang pagitan ng bawa't bakuna.

Oral Polio Vaccine (OPV): Ibinibigay kapag ang sanggol ay 6 na linggo gulang. 3 beses ibinibigay. 4 na linggo ang pagitan ng bawa't bakuna.

Hepatitis B Vaccine: Ibinibigay pagkapanganak. 3 beses na ibinibigay. Ang ikalawang bakuna ay ibinibigay makatapos ang 6 na linggong pagitan mula sa unang bakuna. Para sa ikatlong bakuna, maghintay ng 8 linggong pagitan mula ikalawang bakuna. 

Measles Vaccine: Ibinibigay kapag 9 na buwan na ang bata. Isang beses lamang ito ibinibigay.
T: Pasensya na marami akong tanong, wala kasi ako alam masyado. Ang pagdumi po ng baby ilang beses sa isang araw. Ang baby ko po kasi 2 araw di siya dumumi tapos malagkit pa ang dumi kaya nahirapan po siya.

DG: Hindi pangkaraniwan na tuwing 2 araw lamang dumumi ang mga sanggol. Upang dumumi siya, pasusuhin ng tubig at ihalinhin sa gatas maging ito man ay mula sa iyo o sa “formula”, makatutulong ang tubig upang lumambot ang dumi niya.

T: Ask po uli ako re s baby ko. 5mos, may sipon at ubo po sya. Dpat b wag paliguan at painumin lng ng gtas at tuwing gutom lng un po kc sbi ng biyenan ko db dpat painumin ng 2big? 36.7 po temp nya pro pg 2log sya umuungol po sya. Ano po kya mganda pra mbwasan ubo nya bukas p po kc punta ospital. Tsaka po dapat ko b sya balutin, pngpa2wisan po sya. salamat po uli.
 
DG: Wala namang masama kung paliguan ang mga sanggol at painumin ng tubig kahit may lagnat. Sa ospital nga, kapag kinikumbulsyon ang mga sanggol dahil sa taas ng lagnat, ay pinupunasan sila ng yelo upang bumaba ang temperatura ng katawan. Siguraduhin lang na tutuyuin kaagad ang katawan ng bata makatapos paliguan. Ang pagpapainom ng tubig ay makakatutulong upang humupa ang sipon at ubo at maiwasan matuyuan ng tubig ang katawan o "dehydration". Siguraduhin din na huwag babalutin ang katawan lalo na kung pinagpapawisan upang maging presko ang kanyang katawan. Salamat.
 
Reposted from here
allvoices

No comments:

Post a Comment