The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Monday, April 19, 2010

Hematemesis (Pagsusuka ng dugo)


Tanong: Dear Dr. Gino, I would like to thank na natulungan nyo po yung father ko sa karamdaman ni. He introduce you to me and also recommend kasi sabi nya na matutulungan nyo din ako sakit ko. Last week I start vomiting blood in the morning and same day at afternoon sa ilong ko nman tumulo yung blood.
I ask my girl friend which is nurse and sabi nya signs or my possibility n Leukemia, Tuberculosis or Lung Cancer, but until now kasi hindi p ko mkapgpacheck up kc my work ako and hinihintay ko p po sweldo.
 Inform ko lng po kayo regarding sa nature ko. I am working at Sharjah United Arab Emirates, and had a extreme weather, sobrang init which is umaabot ng 57 deg to 59 deg. Medyo exhausted sa trabaho and stressed. Im working 9:00 am to 7:00 pm so total of 9hrs everyday. Medyo lging puyat kc maglalaba luto plantsa and hndi n msyadong mkpgpahinga. I admitted po ako n nagsmoke ako and umiinom once a month kc restricted and alak sa middle east. I am 23 yrs old young and hot, sana po matulungan nio po ako even lam ko n mahihirapan kayo kasi hindi nio ko nkikita or nasusuri. Please advise me if what po mgandang gwin and do and do not.


Doc Gino: Tama ang iyong sinabi na mahirap mag-“diagnose” ng sakit na hindi nasusuri ang tao. Ang mga binanggit mong sintomas na pagsusuka at pagtulo ng dugo ay hindi natin sasabihing dapat ipagwalang bahala, mas makabubuti kung masuri ang iyong dugo. Malalaman natin kung ano ang sanhi ng mga sintomas.

Bukod dito, makabubuti rin kung magawa ang chest x-ray upang malaman kung ito ba ay TB o kung anuman. Pansamantala, habang hinihintay natin ang resulta ng iyong mga pagsusuri, kung sakaling umulit ang pagsuka ng dugo, mas makabubuti kung iinom ka ng malamig na tubig o maglagay ng yelo sa bibig at nguyain ng parang kendi para pansamantalang huminto ito.

Kung sa ilong naman lumabas ang dugo, pisilin ang ilong ng mahigpit upang tumigil ito. Itungo ang ulo at ibukas ang bibig para dito huminga. Iwasang itaas ang ulo upang hindi sa baga dumaloy ang dugo. Mas makakabubuti kung masuri ka agad ng manggagamot. balitaan mo na lamang ako sa mga developments mo.


Reposted from here
allvoices

No comments:

Post a Comment