The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Sunday, April 18, 2010

Rayuma (Gouty arthritis)

Tanong (T): Isang nag-aalab n pgbati ang nais kong ipaabot sau doc G sampu ng mga mahal m sa buhay. Ako po 47yrs old, 4 n taon k nang nararamdaman ang sakit kong ito pero nawawala rin. Nalaman k lang ng sumakit at akoy nagpa check-up nlaman k n ito pala ay sakit n GOUT. Ako p ay lubos n umaasa s aking mga tanong. Saan b ito nakukuha? Bakit b nagkakaroon nto? Ano b ang mga bawal dto? Ano b ang gamot dto? Ano b ang dapat gawin ng taong may sakit n ito? Maraming salamat po Doc G.



Doc Gino (DG): Ang "gout" ay isang uri ng sakit sa mga kasu-kasuan o "joints" na kung saan naiipon ang ang "crystal deposits" na ang tawag ay "uric acid" (UA). Kapag lumala ito, maaaring magkaroon ng bato sa loob ng "kidney" o di kaya ay masira ang "kidney".

Ang UA at “purines” na sanhi ng gout ay nakukuha mula sa mga pagkain tulad ng mga lamang loob (bituka, atay, atbp) ng mga baboy o baka, sardinas, tinapa, munggo, peas, etc. Kung kaya't mas makakabubuting iwasan ang mga pagkaing nabanggit.

Ang pagtaas ng UA sa dugo ng isang tao ay kadalasang namamana na kung saan ang katawan ng tao ay mahina ang kakayahang magtanggal ang UA sa ihi. Ang "gout" at pagtaas ng UA sa dugo ay maaaring lumala kapag ang tao ay tumaba o maging "obese", "high blood pressure", pag-inom ng alak, "abnormal kidney function", at pag-inom ng ilang uri ng mga gamot.

Ang pag-atake ng sakit na "gout" ay sobrang pagkain at pag-inom ng alak, lagnat, "dehydration" at kapag naoperahan.

Upang maiwasan ang pag-atake ng sakit na "gout", gawin ang mga sumusunod: Uminom ng maraming tubig (mahigit 8 baso araw-araw lalo na kung tag-init); bawasan ang timbang; iwasan ang mga pagkaing nagdudulot ng pagtaas ng UA; iwasan ang pag-inom ng alak; uminom ng mga gamot upang mabawasan ang sakit, subali't kung hindi susundin ang mga nabanggit na payo, muling babalik ang pag atake ng sakit. Siguraduhing walang "allergy" sa mga gamot na ito.

1. Naproxen 500mg tablets: 1 tablet 3 x a day after meals, tuwing may atake ng sakit.
 2. Colchicine 0.5mg tablets: 1 mg followed by 0.5 mg every 2hours, para mabawasan ang pamamaga ng "joints".
3. Allopurinol 100mg tablets: 1 tablet 3 x a day, upang bumaba ang level ng UA sa dugo.

T: Lam mo Doc i did all advice that you gave simula noon ay hindi na sumakit ang aking mga joints, muli maraming salamat Doc. Salamat din po pala sa response mo sa e-mail ng anak ko na nasa Dubai. He told me na ok siya, x-ray blood test and others. Nalamigan at nainitan daw yung baga nya kaya nag suka siya ng dugo, but I am doubt doc normal lang ba yun? Pero simula noon ay hindi na naulit ang kanyang pagsuka.advise ko nga sa kanya mag bakasyon muna sa pinas, sa dec na lang daw. O sige Doc hanggang dito na lamang at maraming maraming salamat.
Reposted from here
allvoices

4 comments:

  1. doc may rayuma b sa bituka...kc mula sa left tyan ko pababa sa binti ko parang uagat n nabanat pag iunat ko masakit konektado sa tyan ko

    ReplyDelete
  2. @johnbhert: Wala pa akong narinig na ganyang kaso. Pero ang lokasyon ng tiyan ay maraming sakit na magkakahalintulad. Mayroon tinatawag na "referred pain" sa bandang tiyan na kung saan ang sakit na nararamdaman ay maaaring malayo sa pinamumulan ng problema. Magpasuri ng iyong ihi upang malaman kung ang sakit na nararamdaman ay nagmumula sa impeksiyon sa ihi. Magpasuri rin sa isang doktor upang malaman ng mabuti ang dapat na lunas na bagay sa iyo.

    ReplyDelete
  3. doc ako po si richard, 27 old may nararamdaman po ako na kaunting sakit sa bandang ibaba ng gilid ng akin puson sa may leftside po, na dala na din po ang pakiramdam na nangingimay ang kaliwang paa ko, hanggang talampakan,wala nmn po diperensya ang pag ihi ko, halos magdalawang buwan ko na din po itong dinaramdam, at dati na din po ako na operahan sa apenddix, at ang work ko po ay 12 hours na naka upo lang, dito po ako sa saudi kaya di ko din po alam kung ano po ang mga siguradong gamot na iinumin ko...gusto ko lang pong malaman kung ano po ba ang maaring sakit ko...salamat po..

    ReplyDelete
  4. @Rhid: Kung kaya mo na ipasuri ang iyong ihi o "urinalysis", kahit wala kang nararamdaman na sintomas, ay malamang na malaman natin kung dito nagmumula ang iyong nararamdaman. Tignan muna natin ang resulta nito para malaman kung ano ang mabisang lunas para sa iyo.

    ReplyDelete