The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Thursday, May 6, 2010

Abnormal Uterine Bleeding


Tanong: Dear Doc Gino, Good Day ! nag research po ako ng mga website na maaaring makatulong sa sitwasyon ko. Last October po,napansin ko na sobrang lakas po ng regal ko. as in umaabot sya ng 2 weeks and may kasmaang cramps. November naulit na nmn po yung gnun,malakas pa din pero hndi ko nlng po bingyang pansin its because akala ko po wala lang yun..December,gnun pa din po umabot na po ng almost 1 month yung regla ko,nilagnat na din po ako..so i decided then to go oby-gyne para magpa check up.


Sabi ng Doktor,kailngan ko daw po mag pa ultrasound,after ultrasound they found out na thickened daw po yung endometrial lining ko,and may bukol daw po na nakita which is they consider as uterine myomata..binigyan po muna ako ng gamot nordette pero as i observed dok,nagpapalpitate po yung heart ko. everytime na nagta take ako ng nordette.tinigil ko po pag inom dok,then after 3days bumalik yung bleeding and may kasamang pananakit na po sa gilid ko. pinabayaan ko na lang po yun,hanggang sa nawala ang regla ko at pananakit na yun sa gilid.

Now,tanong ko po sayo dok ano po ba tlaga pwede kong inumin para mawala na yung fibroid ko?and anong mga foods ang kailngan iwasan?magkaka anak pa po ba kaya ako? Maraming salamat..inaasahan ko po ang iyong pagtugon .

Doc Gino: Sa aking palagay, ang dahilan ng iyong abnormal bleeding ay ang makapal na endometrial lining ng bahay-bata na kung saan nagmumula ang buwanang dalaw. Depende sa laki at lokasyon ng myoma, maaari rin itong maging sanhi ng sobrang pagdurugo. Ang pahintu-hintong pag-inom ng iyong gamut na Nordette ay nagresulta sa withdrawal bleeding kung kaya’t naging irregular lalo ang daloy ng iyong regla.

Kung ano ang dapat kainin o iwasan upang mawala ang bukol sa matris ay wala pang natutuklasan sa panahong ito. Mas mainam kung ipagbibigay-alam mo sa iyong doktor ang sintomas na nararamdaman makatapos inumin ang gamot upang mapalitan ng nababagay para sa iyo. Kung mako-kontrol ng maaga ang lubhang pagdurugo, sa tingin ko naman ay hindi hadlang sa pagdadalang-tao.
allvoices

11 comments:

  1. Good day doc gino, salamat at may ganitong site meron na akong mapapagtanungan ng mga hinahanap kong impormasyon. may nakakapa po akong bukol sa puson ko at pakiramdam ko malaki na cya, 3 days lang naman po kung ako ay reglahin pero napakalakas lalo na pag ikalawang araw, diaper na po ang ginagamit ko para hindi tagusan, umiinom din ako ng ibuprofen para mawala ang sakit at makakilos ako ng maayos. natatakot po ako magpa-check up, una po ay kulang ako sa pinansyal at malayo sa mga goverment hospital. ano po ba ang dapat kong gawin? magkano po kaya ang magagastos para matanggal ang bukol ko? nakakamatay po ba ito? hihintayin ko po ang inyong kasagutan, salamat po.

    ReplyDelete
  2. @Era: Kung napakalakas ng iyong regla, mas makabubuti kung ikaw ay magpunta sa government hospital upang ito ay malunasan. Kung matagal na itong nangyayari ay baka umabot pa sa pagkakataon na ikaw ay masalinan ng dugo, at kung sobrang dami na nang nawalang dugo, maaaring ito ay makamatay.

    Depende sa kung ano ang sanhi ng pagdurugo ang nararapat na operasyon na gagawin. Ang doktor na mag-oopera sa iyo ang makapagsasabi kung ano ang gagawin, at kung magkano aabutin ang gastos. Kung kaya't habang malakas pa ang iyong katawan at hindi pa gaano kagrabe ay magpasuri ka na.

    ReplyDelete
  3. hi doc! i'm 31 yrs old and married for almost 4yrs.hndi pa po ako nagbbuntis..ask ko lang po kung ano kaya ang problema at di pa ako nagbubuntis?ung transvaginal ko po ay walang problemang nkita ang ob ko.un nga lang po late ovulation ako.very irregular dn menstruation ko..ngpahilot po ako isang beses,knabukasan nregla ulit ako dn tuloy tuloy na..ng stop dn cgro 1 wik dn regla ulit...it hapened for almost 2mnths po..ano po kaya un?

    ReplyDelete
  4. mahirap po ba magbuntis kapag late ovulation?and ano po kaya dahilan bakit nagbleed ako ng malakas for almost 2months?alam ko,d ako buntis nun..normal nman transvaginal ultrasound ko..irregular nga lang mentruation ko...

    ReplyDelete
  5. @Joan: Ang "irregular menstruation"ay nagiging sanhi ng hindi pangingitlog o "anovulation" kung kaya't mahirap magdalang-tao. Hindi makakatulong ang hilot sa ganitong kaso. Ang pagdaloy ng regla pagkatapos ng iyong hilot ay mangyayari kahit hindi nagpahilot. Mas makabubuting magpakonsulta sa iyong "gynecologist" upang ito ay matugunan at maresetahan ng gamot upang maging regular ang iyong regla.

    ReplyDelete
  6. hello po magandang hapon po sa inyo doc...maari pa po ba akong mabuntis kahit 3 buwan na ako hindi nireregla?irregular po kasi ang aking regla may time po na continiuos ang aking regla may time din 1 o tatlo buwan akong hindi dinadatnan ng regla maari po ba akong magkaroon ng sakit sa matress sa ganitong kundisyon?paki sagot lang po salamat mae of caloocan

    ReplyDelete
  7. @Maria Rosa: Pwede naman magbuntis kahit na irregular ang pagdating ng regla, nguni't bihira magbuntis kung sobrang irregular ito. Ang irregular menses ay pwedeng galing sa hormonal imbalance ng ovaries. Magpasuri sa iyong gynecologist upang maiayos ang dating ng iyong regla.

    ReplyDelete
  8. doc sa edad ko pong 43yrs. old..ngayon lng po naging irregular ung mens ko,last month po hindi po ko dinatnan.ngayon po nag karon ako nung Nov.9 hanngang ngayon po hindi pa natigil mens ko,ano po dapat kong gawin doc??? wla nmn po ko nararamdaman..salamat..

    ReplyDelete
  9. @Analiza: Ang pinakamabuting gawin sa iyong kaso ay ang magpa-check-up sa isang gynecologist.

    ReplyDelete
  10. doc. nag pa ultrasound po ako, sabi skn may myoma daw ako,kaso po hindi nila sinabi kung bakit nag tuloy parin ang bleeding ko.sabi ng doc. magparaspa daw ako,para daw malam kung bakit nag ble2eding,nang hinge muna po ko ng gamot n pwede ko inumin para tumigil yung pag bleeding ko..niresitahan naman po ko, sa tingin niyo po doc. ano mainam kong gawin?nanghihinge lang po ko ng second opinion.tnx

    ReplyDelete
  11. @Analiza: Sa tingin ko ay mabuti kung ikaw ay magpaparaspa upang malaman kung may iba pang dahilan ang iyong pagdurugo. Sa resulta ng "histopath" malalaman ang wastong gamot para sa iyo.

    ReplyDelete