The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Saturday, May 8, 2010

Ibig nang magdalang-tao (Infertility?)


Tanong (T): Dear Doc Gino, nabasa ko po ung column nyo..so kaya po nainganyo naman ako mag tanong sa inyo.. gusto ko po kc malaman kung ano ang dapat gawin para mabuntis agad..
kc po nag lilivein na po kami ng bf ko... pareho na po namin gusto mgkababy 1 yr na po kaming nagsasama pero hindi pa rin po kami makabuo.. nagtanong naman po ako sa mga kaanak ko na kung may lahi po ba kaming baog.. sabi naman nila wala daw po. at tinanong ko rin po ang asawa ko kung ganon din ba sya.. hndi rin po ang sagot nya.. hindi po kaya ako ang baog.?? Sport minded po ako.. madami akong nilalaro..sanhi rin po ba kaya un ng hindi ko pagbuntis? may konting bisyo rin po ako.. nagsmoke at sometimes i drink?? lahat po ba un sanhi ng di ko pag buntis??? ano po ba ang dapat kong gawin??? ano po ba ang mga sanhi ng hindi pagbubuntis ng isang babae.. sana po matulungan nyo ako sa katanungan kong ito...maraming salamat po! good luck sa inyo.. and more power po!

Doc Gino (DG): Isang taon pa lamang kayo nagsasama, ano kaya ang dahilan kung bakit kayo nagmamadaling magka-baby? Ilang taon ka na ba? Buwan-buwan ba ang dating ng iyong regla?

Maraming dahilan kung bakit hindi nagbubuntis kaagad. Hindi lamang ang babae ang dapat suriin, ang mga lalaki ay gayun din. Isa sa masasabi kong dahilan sa iyong kaso ay ang iyong pagiging aktibo. Ang pagiging aktibo ng katawan gaya ng mga atleta ay nagsasanhi ng anovulation kung saan hindi nangigitlog bawa't buwan ang babae kung kaya't ang regla ay hindi rin buwanan kung dumating. Kapag hininto ang sobrang pagkaaktibo, manunumbalik ang pagiging regular na pangingitlog at nagbubuntis na agad.

Ang stress na magbuntis agad ay maaaring maging sanhi rin ng hindi pagbubuntis. Kung kaya't mas makabubuting mag-enjoy muna kayo sa inyong pagsasama. Sa ganitong sistema, mas mababawasan ang stress at malamang ay magbuntis agad. Kahit walang direktang ebidensiya, ang mga nabanggit mong bisyo ay maaaring maging sanhi ng hindi pagbubuntis.

(T): salamat mo sa pagssagot ng aking mga katanungan..24 na po ako at ang asawa ko naman ay 29..gusto na po kc ng magulang ng asawa ko ng apo beside parang nasasabik ako sa baby.. auko po kcng magbuntis ng mejo may edad na .. kc feeling ko parang ang hirap ng ganon.. regular po ang regla ko... minsan pa nga po 2 beses sa isang buwan.. di ko nga maintindihan eh kung bakit ganon!! nadadaan po ba sa hilot ang pagbubuntis agad?? marami po  kcng nagsasabi na ipataas ko daw po ang matres ko dahil baka mamaba lang.. effective po kaya un?? salamat po!! 

DG: Ang bahay bata ay natural lamang na maging mababa kapag hindi buntis. Hindi nakatutulong ang hilot upang itaas ito. Gaya ng mga nabanggit, ang pagbabago ng lifestyle at pagbabawas ng stress ay isa sa mga makatutulong upang magdalang-tao. Mas makabubuti kung makipagkonsulta ng harapan sa isang bihasa sa Infertility upang masuring mabuti kayong dalawa. 
allvoices

9 comments:

  1. Doc Gino, magandang araw po sa inyo. ako po ay 32 y/o na ang aking asawa ay 33 y/o. kami po ay halos 10 years ng kasal pero sa hanggang ngayon po ay hindi pa kami binibiyayaan ng anak. regular po ang mens, kaya lang palagi pong advance ng 1 week, monthly po yun. ang work ko po ay sa office ganun din po ang asawa ko..hihingi lang po sana ako ng payo o opinion kung papano po ako magbubuntis..gustong gusto na po talaga naming magka anak..

    ReplyDelete
  2. @rlin: Maraming salamat sa iyong message. Mas mainam kung ikaw at ang iyong asawa ay magpasuri pareho. Nangangailangan ka ng isang gynecologist upang malaman ang sanhi ng infertility. Ang iyong asawa naman ang kailangan ng isang urologist upang masuri ang kanyang semilya.

    ReplyDelete
  3. Magandang araw po Doc. Katulad din po nila ako, nais nag magkababy, ako po ay 31 y/old at ang aking asawa namn ay 31 y/old din, were married for 4 years na po, regular nman po ang monthly period ko, computershop ang business namin for 2 years,dalawa kaming nagmamanage nito ngayon, dati pong welder ang aswa ko abroad for 6 years, maari po bang sanhi rin ito ng hndi kaagad namin pagkakaroon ng baby? nagkonsulta n rin po ako sa OB, sabi po mag hintay-hntay lng po kami, anu po bang VITAMINS ang maipapayo mo sa aming magasawa, para tumaas ang chance na magka baby na kami,
    Maraming salamat po, & more power.
    - MHY -

    ReplyDelete
  4. @Mhy: Kung sa iyo ay walang problema ayon sa iyong gynecologist, maaaring sa iyong asawa ang sanhi ng hindi mo pagdadalang tao. Ipakonsulta ang iyong asawa sa espesyalista sa ari ng mga lalaki o "urologist". Susuriin ang kanyang ari at semilya upang malaman kung dito nagmumula ang problema. Ang pagkain ng wasto, maraming gulay at sapat na karne ay hindi kayang tumabasan ng mga vitamins.

    ReplyDelete
  5. hi po doc.. nakita ku lang po itong site nyo at naisipan ku nalang pong mag tanung din pwde po bang mag buntis ang maysakit na mayoma at namama po ba ito or nakakahawa? ilang taon po ang pwedeng dapuan ng mayoma? yung cousin ku po kasi nag susuffer xa ngayon sa sakit na mayoma 6 months na sana baby nya pero nawala po and 1 month mahigit na din po xa na mintruation... sana po masagot nyo salamat po....

    ReplyDelete
  6. hi po dr. gino ask ku lang po kung pwede magbuntis ang may sakit na mayoma at anung edad po ang pwedeng dapuan nito? nakakahawa po ba ang mayoma o namamana? may pinsan po kasi ako madali lang xa mabuntis pero pag dating po ng 6 months lagi xa nakukunan sabi po ng doctor na pinagkukunsultahan nya dahilan daw po un ng sakit nya na mayoma tulad po ngayon nakunan po ulit pero pero 1 month na po na wala tigil minstruation nya, maari po ba xa magkaanak? sana po masagot nyo salamat po and more power...

    ReplyDelete
  7. @Almaidava: Ang "myoma" ay bukol sa matres o bahay bata. Ito ay nangyayari sa 60% ng mga kababaihan at hindi nakakahawa o namamana. Kapag lumaki ito, maaaring maging sanhi ng probleam sa regla, pagkabaog o parating nakukunan. Ang pagsusuri ng isang "gynecologist" ay makatutulong upang ito at masolusyonan, at nang makapagdalang-tao.

    ReplyDelete
  8. hi doc, gaya po ng tanung nila dahil kami din po ng asawa ko hindi nabibiyayaan ng anak almost 3yrs. na po kameng live in at 25y/o n po ako at ang asawa ko nmn po ay 30y/o iregular po ang mens ko at last 2008 nadiagnost po n my polysystic ako. ang asawa ko nmn po last feb. 2010 nagtake ng radiation for his hyper tyroidism. tanung ko lang po kung malabong magkaanak pa po kami? maraming salamat po doc.

    ReplyDelete
  9. @Teybratinella: Hindi naman lahat ng may "polycystic ovarian syndrome" (PCOS) at nag-"radiation therapy" ay hindi nagkakakaanak. Mas mainam kung ikaw ay magpasuri sa isang "gynecologist" at ang iyong asawa naman ay magpasuri sa isang "urologist" upang makita kung ano ang dahilan ng inyong "infertility". Kung ang mga ito ay malalaman at maitatama sa pamamagitan ng tamang lunas, may tsansa na ikaw ay magdalang-tao na.

    ReplyDelete