tanong ko lang po; kung ang xtray ay makakasama sa baby pag buntis ka, last week ko lang pong nalaman n buntis ako nag pregnancy test po ako - di ko pa po alam kung mga ilang weeks na pero tingin ko po baka mga 6 weeks na... a month ago po nag pa chiroprator po ako ang ini-xtray po ako ng doctor sa spinal cord, jaw at sa may bandang tyan po.... ngayon po ako nababahala baka po maka apaekto sa baby!!!
Maraming salmat po!
Doc G: Maraming salamat sa iyong email. Ang x-ray ay maaaring makaapekto sa pagbubuntis lalo na sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis kung kaya't ibayong pag-iingat ang kinakailangan bago sumailalim sa pagsusuring ito lalo na sa mga babae.
Malalaman kung ano ang epekto nito kapag naisilang na ang sanggol o kung lumaki na ang sanggol sa loob ng matres at sumailalim sa pamamagitan ng ultrasound. Hindi naman ibig sabihin ay 100% na magkakaroon ng epekto sa ipinagbubuntis. Mayroon din naman na walang naging epekto ang x-ray. Kaya't kailangang magpasuri ng regular sa iyong doktor. Ipagdasal na rin na maayos naman ang kalalabasan sa huli.
Kung may makita man na epekto sa sanggol, ipinagbabawal naman sa ating bansa ang ipalaglag ang nasa sinapupunan.
Tanong: Maraming salamat po!
No comments:
Post a Comment