The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Friday, July 9, 2010

No fetal heartbeat

Tanong: tanung ko lang po sana sa inyo dok kung anu ang mangyayari sa pinagdadalang tao ng aking asawa ang aking asawa po ay 8 weeks na po syang buntis ngayon po nag pa ultrasound po kami lastday actually pangalawang beses na po kasi po nun una wala po narinig na hearthbeat ang dr na tumingin sa asawa ko sabi nextweek bumalik kami  so bumalik po uli kami tinignan po uli sya ganun din po ang nangyari wala pa rin pong narinig ang dr. anu  po kaya ang maaring mangyari sa fetal or sa dinadal ng aking asawa.
salamat po dok.

Doc G: Maraming salamat sa iyong email. Kung walang marinig na tibok ng puso sa ganitong uri ng ipinagbubuntis, maaaring hindi nabuo ang bata. Ang tawag dito ay blighted ovum.

Sa ganitong sitwasyon, kusang nalalaglag ang ipinagbubuntis at dinudugo ang pasyente. Kung hindi naman mangyari ito, nilalagyan ng gamot sa kanyang pwerta upang malaglag ang dinadala. Sa parehong kaso, kinakailangang mag-completion curettage o raspa upang malinis ang matres. Ito ay dapat gawin ng mga manggagamot sa ospital o medical clinic.

Tanong: pero dok  nagbigay po ang doktor ng second opinion mag punta raw kami sa  malaking ospital kasi sa clinic lang  po una kami nag patingin at sa mga nabasa ko po meron din naka experyansa na umaabot sila ng 10 weeks bago nila marinig ang hearth beat fetal ngayon po lagi nanakit ang puson ng aking asawa yun na po ba ang senyales na malalag na  ang bata

Doc G: Sa tingin ko, kung may pananakit na ng puson, maaaring malaglag na nga rin ang ipinagdadalang tao. Subali't sumasang-ayon ako at sinabi ko na rin na magpakonsulta sa ospital. Kung dinugo na, maaaring iyon na mismo ang senyales na mawawala na rin ang ipinagbubuntis na hindi nabuo. Salamat.

Tanong: sa ngayon po dr. anu po ang maipapayo nyo sa amin ng asawa ko kasi po naawa na po ako sa asawa ko kasi po 1st baby po namin 2 parang hindi nya kayang matanggap na mawawala ang baby namin.

Doc G: Gaya ng nabanggit, magpatingin sa ospital at makipag-usap sa inyong OBGYN kung ano ang susunod na hakbang na gagawin. Iyon marahil ang pinakanararapat sa panahong ito ng kanyang kondisyon. Ihanda na rin ang sarili sa kung anuman ang magaganap.

Minsan mas mabuti na ang mangyari ang tulad nito sapagka't karaniwan na nagiging abnormal ang ipinagbubuntis kapag nabuo. Kaya nga ang nature na mismo ang naglalaglag. Sa susunod na pagkakataon, mas dapat na alagaan ang ipagbubuntis. Magdasal din lalo upang magabayan sa kung anuman ang mangyayari. Salamat.
allvoices

No comments:

Post a Comment