The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Tuesday, March 30, 2010

Ovarian newgrowth (Bukol sa Obaryo)

Tanong (T): Helo Dok Gino. Nkita q poh forum o blog nyu tru searching ovary cyst sa Google. Sa totoo lng poh nddepress poh aq my dermoid cyst sa right ovary. Gusto poh ng Dok operahan aq. Pero di naman poh madalian kaya lng maz maaga daw poh maz mganda. Pero ayoko poh mg pa opera takot poh kc aq. may pg aza poh b mawala un cyst q.

Payo ni Doktor (PD): Maraming salamat sa iyong liham. Ang dermoid cyst ay dapat na operahan sapagka't maaaring magkaroon ng komplikasyon tulad ng paglaki, pagkapilipit o di kaya ay pagputok nito. Kung magkaganoon, magiging emergency ang sitwasyon at maaaring manganib ang buhay. Sa isang banda, mas mainam kung maoperahan agad upang maiwasan ang mga nabanggit na komplikasyon at malaman ng maaga kung magiging kanser ito. Sa kasalukuyan ay walang naiinom na gamot upang mawala ang dermoid cyst.

T: Mazaya umaga poh Doc Gino. Mazaya po aq at sinagot nyo ang liham q. Sa totoo lng poh. Ayaw poh ng isip at katawan q mg paopera. Pkiramdam q kc di dun natatapos ang lahat. 2 taon po ang nkalipaz.ang una UTV exam q poh ovarian mass. Next day poh nun ng pa UTV po ule aq Benign keratoma 5.6 X 5.2 X 4.4 cm poh diagnos ng doctor. Ang sbi dapt poh tanggalin. Pero di q po iniisip seryoso un. Ngayon buwan poh ng marso 5.2008 search q po sa internet kung anu po un cyst q. Pkiramadam q matapos q malaman ang detalye mdyo seryoso poh yata ang csyt q. Ngpa uTV PO ULe aq dermoid cyst 5.7 X 5.1 X 4.9 cm. Nanghihina at natatakot po ako. Sana  magkaron nang himala. Salamat poh ng marami sa inyo pgsagot...pagpalain poh kau ng Dios. Salamat poh talaga.

PD: Ang dermoid cyst o ‘’teratoma’’ ay karaniwang hindi naman nagiging kanser. Umaabot sa 1-3% ng mga ganitong uri ng bukol ay maaring maging kanser. Ito ang uri ng bukol na kung saan may nakikitang ngipin, balat, buhok, buto, at nana. Makikita ang mga ito sa pamamagitan ng x-ray o CT scan. Ipagdasal natin na maging maayos ang iyong operasyon. Balitaan mo na lamang ako.

T: Helo mganda umaga poh Doc Gino. Ingat poh kau lage. Zobrang zaya q kc sinagot nyu email q. Ako po ay 31f taga Sta.Maria Bulacan Pilipinas. My 4 na poh aq anak. Tc. Poh.


Dermoid cyst: Ito ang itsura ng malaking dermoid cyst kapag binuksan. May laman itong buhok, ngipin, balat, buto, at nana.

Reposted from here
allvoices