The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Monday, August 9, 2010

Normal pelvic ultrasound findings

Tanong: good day doc,
nagpacheck up po ako sa OB gyn last 2 weeks ago. and i made a papsmear test and transvaginal ultrasound. i wanted to have a baby, kaya nilakasan ko na loob ko na magpacheck up. ung result ng ultrasound ko po ay:
the uterus is anteverted, midline, normal in size
measuring 54mm x 28mm x 27mm with smooth outline and a thinned out
endometrial stripe measuring 8mm
Homogenous myometrial echopattern seen.
the cervix is closed. (22mm x 18mm).
Both ovaries are seen, RT: 21mm x 21mm- with follicles noted
within- the largest seen having a 12mm AP diameter.
the left ovary measures 25mm x 16mm with subcapsular cysts noted with echogenic struma.
Cul de sac is fluid free.
yan po Doc ung ultasound report ko. nasabi ng OBgyne ko na may cysts daw ako sa leaft ovary ko, nababahala po talaga ako baka po lumaki un at maging cause ng unfertile ko. gusto ko na po kasi magkaanak. 28 years old na po ako. sabi din ng OB ko 35 days cycle daw ako, irregular na po ba ako.gusto ko po sana malaman kung anu ang ibig sabihin ng report ko..
maraming salamat po, inaasahan ko po na matutugunan nyo po ang aking tanong..

Sagot: Salamat sa iyong email. Base sa resulta ng iyong ultrasound, ang mga cysts o bukol  sa iyong ovary ay karaniwang nakikita sa mga babae na nasa gitna ng kanyang menstrual cycle. Ang laki ng mga ito ay nagbabago base sa araw ng kanyang cycle. Ang size ng mga ito ay nasa normal lamang. Kung 35 days menstrual cycle parati na iyong buwanang-dalaw, ito ay nasa normal din naman.
allvoices