Sa Pilipinas,
kapag umabot na sa 65 taong gulang ang isang tao, masasabing pwede nang huminto
sa pagtatrabaho at mag-enjoy na
lamang sa buhay. Nguni’t nakahanda ba si Juan Dela Cruz na mamuhay ng ayon sa kanyang
naisin kahit walang trabaho? Naiisip kaya ni Juan ang magiging buhay kapag dumating na sa edad na
ito? Habang ang tao ay nasa murang edad pa lamang, natural lamang na malayo pa
sa isip nila ang bagay na ito. Kapag tumanda na si Juan kailangang
mamahinga na sa pagtatrabaho o magretiro.