The medical opinions and advices contained in this blog are those of the respective authors and should serve as guides. The patient themselves have the final decision with what to do to their health.
IMPORTANT: To ask for medical opinion, send your message by email here

Monday, April 12, 2010

Galactocele (Bukol sa suso na ang laman ay gatas)


Tanong (T): May Q po ako. Kapa2ngnak ko lng 3mos ago, ng breastfeed po ako 4 2mos den stop ko n, npansin ko n lng po n may bukol prang namuong laman. Ano po kya 2? Pls help. Worid po ako. Tnx.


Doc Gino (DG): Ang bukol sa dibdib ay nararapat na masuring mabuti kapag ito ay napansin. Karaniwang ang sanhi ng bukol kapag nagpapasuso ay dahil sa mga namuong gatas at ito ay bihirang maging sanhi ng kanser.
Kahit ganito, nararapat pa ring masuring mabuti sa lalong madaling panahon kung kaya't dapat na magpakonsulta sa isang manggagamot. Maaaring gawin ang isa o higit pa sa mga sumusunod: ‘ultrasound’, ‘mammography’ (x-ray ng suso), o ‘fine needle aspiration biopsy’. Ang mga ito ay makatutulong upang malaman kung ang bukol ay kanser o hindi. Nawa ay nasagot ko ang iyong tanong.
allvoices