Then binigyan po ako ng "DUVADILAN" ng doctora ko. And last march 25 nagpa-check-up po ako but sa ibang doctora na...Pinalitan nya po ang gamot ko ng "ISOXILAN" for 10days. Kasi po madalas ako makaramdam ng pananakit ng balakang at pwet at madalas din kumirot ang aking puson (parang may pumipintig po) and sabi baby ko daw un
Thank you so much po and more power. God bless you and your family!
Doc G: Salamat sa iyong email. Natural lamang na magkaroon ng bahagyang pagmamanas ang isang buntis. Dala ito ng pagbabago ng katawan sa kasalukuyang kondisyon. Subali't ang lubhang pagmamanas ay hindi mabuti. Upang maiwasan ito, huwag kumain ng may asin tulad ng mga de latang pagkain, sardinas, bagoong, atbp. Tuwing mahihiga, maglagay ng unan sa paa upang maiwasan ang pamamaga ng binti.
Upang maiwasan ang pagkalaglag ng ipinagdadalang tao, ang pamamahinga sa bahay o bed rest ay kinakailangang gawin. Ang mga gamot na iyong binanggit ay maiiwasan ang paghilab ng matres upang huwag manganak ng kulang sa buwan. Iwasan rin ang masyadong paglalakad o pakikipagtalik na maaaring makapagpahilab ng matres. Ugaliin ang pagpapakonsulta at sundin mabuti ang payo ng iyong manggagamot upang maalagaan mabuti ang pagbubuntis.
Tanong: First of all, let me say thank you so much for your reply. Medyo na-ease ang aking "fear" about sa nararamdaman ko. More power to you and sana po wag ka magsasawang tumulong sa mga gaya ko na need ng medical advices. Again, thank you so much and god bless po pati sa family mo.
No comments:
Post a Comment