Sagot: Maraming salamat sa iyong liham.
Kung nagawa mo na ang sa tingin mo ay iyong makakaya tulad ng paggamit ng iba't ibang deodorant, uri ng tela ng damit, atbp, ilan sa mga pwedeng gawin ay ang mga sumusunod. Tandaan lamang na may mangangailangan ng operasyon, at ineksiyon sa mahal na halaga. Isang eksperto sa balat o dermatologist, at siruhano o surgeon ang maaaring makagawa ng mga procedures na ito.
Ang mga maaring gawin ay:
Iontophoresis: Sa ganitong paraan, kinukuryente ng maliliit na boltahe ang kilikili upang ang balat ay kumapal at mabawasan ang pagpapawis. Hindi ito ginagawa sa may sakit sa puso, buntis at nagpapapsuso, at may epilepsy.
Botox injection: Marahil ay narinig mo na ito. Hindi kaagad nararamdaman ang epekto kapag ginawa ito. Dalawa hanggang apat na araw bago makita ang epekto nito. Maaaring ulitin ang procedure na ito makaraan ang apat na buwan sapagka't maaaring magpawis muli ang kilikili.
Operasyon: Ito ang pinakuhiling maaaring gawin kung lahat ng mga nabanggit ay hindi naging mabisa. Ang mga ugat na dumadaloy sa kilikili ay iniipit o pinuputol. Dahil operasyon ito, hindi malayong mangyari ang mga komplikasyon tulad ng pagdurugo at pagsakit ng leeg. Ang ibang bahagi ng katawan naman ang magiging pawisin ng todo dala ng operasyon na ito.
Kaya inuulit ko, magpakonsulta sa isang dermatologist o surgeon upang makapagdesisyon ka ng mabuti.
No comments:
Post a Comment