Available at: Jeepney Press
Tanong (T): Drop ko na lang ang facts.
Sept. 28, may nakatalik akong babae na naka-chat ko lang sa Facebook. Well educated siyang babae pero hindi ako naniniwalang ikalawa lang ako sa mga naka-sex niya.
Oct. 13, nag-sex kami ng girlfriend ko while having her period. After noon eh nakaramdam na ako ng tila mabigat na pakiramdam na parang namamaga sa kaliwang bayag ko.
Oct. 14, di nawala yoong sakit at tila lalo pang lumala dahil pti kanang bayag ko eh sumasakit na rin.
Oct. 15, masakit na pareho pati kaliwa't kanang bahagi ng puson ko.
Oct. 16, nagpa-check-up ako sa doctor. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko then he asked me if masakit ba ang pag-ihi ko. Sinabi kong hindi dahil wala naman akong nararamdamang ganoon. Pinablood-test at urine-test ako nguni’t sinabi niya na normal naman daw. Baka daw luslos na daw itong nararamdaman ko. Niresetahan niya ako ng OFLOXAXIN at CELCOXX for a period of 5 days then bumalik daw ako sa kanya.
Oct. 17, hindi na parehong bayag ang sumasakit sakin Doc kundi pati kaliwang bahagi ng puson, at kaliwang bahagi ng ari ko na ang sumasakit. Tila parang namamaga at mainit na ang pakiramdam ko.
Based on my research Doc about sa HIV eh pumapasok ako sa 1 to 3 weeks before magkasymptoms ako nakaramdam ng mga ito. Ang girlfriend ko naman eh from October 13 na nag-sex kami eh namamaga ang lymph nodes niya sa may leeg na naramdaman lang niya kahapon (Oct. 16). Noong Oct. 13 lang kami ulit nag-sex since nakatalik ko ang isang babae noong Sept. 28.
Here are my questions doc,
Sir, what percentage po na mayroon akong HIV at girlfriend ko?
Kung STD-related case itong nararamdaman ko eh ano po kayang uri ito ng sakit and virus na nakainfect sakin?
Doc Gino (DG): I wouldn't know what percentage. HIV does not occur fast. It can take several months to years before it manifests. There are too many kinds of STDs. Laboratory tests such as urinalysis, urine culture, blood tests can confirm what infection is present.
T: Follow-up question sir. With relation to the facts I cited this morning sir, may possibility ba na na-infect ko na rin ang girlfriend ko when we had sex? Should I stop having sex with her for the meantime?
Umiinom na ako ng gamot since yesterday sir, walang nagbago sa pakiramdam ko Doc imbis eh lalo pang sumasakit. Should I finish the 5-day treatment instructed by my doctor or bumalik na ako sa kanya? Tnx sir in advance...
DG: It is possible to have another person infected if you were infected to begin with. I recommend consuming your medications, after which, seeking a follow-up medical evaluation with your doctor.
No comments:
Post a Comment